CHAPTER 5: PANCAKE

2704 Words
LAURIANNE Nakakapagod ang araw na ito, sobra! Grabe as in talaga pagkapasok ko pa lang sa bahay, gusto ko na kaagad humilata sa kama! Buti na lang nakapagluto na 'yong kuya ni Dayday kaya nakakain din kaagad kami. Pagpasok namin sa kwarto, galit-galit muna kami at kanya-kanyang bihis. Tinulungan din namin si Sam dahil may bali siya sa kamay at nahihirapan siyang kumilos. "Hays buhay! Bet ko na bet ko sana 'yong SEA dahil sa gorgeous at mamahalin nitong awrahan. 'Yon nga lang, ang papangit ng ugali ng mga mag-aaral! Except saatin of course at doon sa ano nga ang name no'n, Dayday? Aariyah, ano? Tapos 'yong grupo ng TM4! Shutek! Bonggacious ang mga face! Walang visual hole! Iyon nga lang, nobody's perfect, kaya ang depekto naman sa kanila ay ugali. Pero keri lang, kaya naman silang paamunin," pagbubunganga ko habang ini-imagine 'yong lalaking naka-ball cap. Tiningnan nila ako nang masama kaya kaagad ko ring binawi 'yong sinabi ko. "Charot lang! Makatingin naman kayo! Bawal mag-joke? Gusto ko lang ma-lighten up 'yong mood dahil bagsak 'yong mukha niyong dalawa. Ayaw kong mahawaan niyo ako ng nega vibes dahil nakakapagbigay raw ito ng maagang wrinkles na hindi ko papayagan." "Alam mo, Laurianne, Itikom mo na lang nga ang bunganga mo, kahit ngayon lang, nagmamakaawa ako sa iyo," wika ni Sam na may papikit-pikit pang nalalaman. Sinamaan ko siya ng tingin dahil nagawa niya pang magkontra-bida kahit na masama ang kanyang lagay. Dutdutin ko 'yang pasa niya sa mukha, nako! "Usog," utos nito. Humiga siya sa aking tabi. Habang tinitingnan ko ang benda niya sa katawan, naalala ko 'yong nangyari kanina. Natagpuan namin siya sa may mini forest ng school. Taray talaga. Hindi ko inaasahan na may matatagpuan kaming kagubatan sa loob ng SEA. Buti na lang talaga nag-ikot-ikot ako and then nilapitan ako ni Aariyah dahil akala niya naliligaw ako. Noong kinwento ko sa kanya na may hinahanap akong babaklitang basagulera, dinala niya kaagad ako sa mini forest dahil doon daw madalas nag-i-sparring ang mga war freak student. Laking pasasalamat ko dahil puro sugat at galos lang ang tinamo ni Sam. At buti na lang talaga dilat na dilat ang kanyang mata noong matagpuan namin siya dahil kung hindi, aakalain kong nag-passed away na siya sa Earth. Noong tinanong namin siya kung sino ang jumumbag sa kanya, akala ko sasabihin niya 'yong TM4, pero ayon, sad to say hindi sila, kung hindi 'yung mga mukhang killer clown s***h pokpokita na patay na patay sa apat na adonis kuno. "Siguro ito na ang tamang panahon para magpaalam sa inyo, guys. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin bukas, pero alam kong gyera ang sasalubong sa akin. Ayaw ko naman nang madamay kayo kaya please lang, nakikiusap ako. Kapag inaway ako ni Kristoffer o nang kahit sino sa TM4, wag na kayong pumalag," pambabasag ni Dayday ng katahimikan. Seryoso ang kanyang mukha noong sabihin niya iyon, medyo naamoy ko rin ang katiting na takot. "Kung makapagsalita ka para kang mamamatay," sabi ni Sam. "Parang ganoon na nga. Simula noong malaman kong nasa dead list ako, hindi na ako sigurado kung makakauwi pa ako nang buhay. Or magigising pa ako bukas. Hindi natin alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng grupo nina Kristoffer. Ayos lang naman sa akin. Basta wag lang nila kayong gagalawin dahil mabibitak ang lupa," mayabang na tugon nito. Alam kong pakitang gilas lang ang tono ni Dayday para isipin namin na kaya niyang lumaban mag-isa. Pero eyes can't lie, ika nga. I know she's a strong and independent woman that--charot! Hahahaha malakas talaga si Dayday, pero para sa akin, she's vulnerable inside. She cares for us because she's afraid na kapag may nangyari pang masama sa amin, it'll break her. Awww...naiiyak tuloy ako. Hindi sa minamaliit ko ang kanyang kakayahan pero kasi, apat na Gwapong lalaki iyon! Kumpara sa kanya, pag nagsanib pwersa sila, paniguradong hindi niya kakayanin. "Ano ka ba, Dayday! Ang laban mo ay laban din namin, di ba? Sam? Kapag inaway ka nang mga 'yon, reresbak kami kaagad dahil hindi namin maaatim na ikaw lang ang pagkaguluhan ng apat na Faf---" "Aray!" bulalas ko noong matikman ko ang kotong ni Sam. "Napaka-landi! Seryosong usapan kasi, Laurianne! Wag mong haluan ng biro! Baka gusto mong pabalikin kita sa probinsya!" sermon nito. "Oo na! Pinapatawa ko lang naman kayo kasi ang serious ng inyong mga face! Hmfp!" depensa ko. Ako na nga ang nagmamagandang loob! "Hahahaha! Magsitulog na nga tayo at maaga pa tayong gigising bukas. Kung hindi mo pa kayang pumasok, Sam, wag nang pilitin ang sarili, okay?" sabi ni Dayday. Magsasalita pa sana ang aking pinsan pero naunahan na siya ng takot dahil itinaas na ni Dayday ang kanyang kilay. Ayon, tiklop ang lola mo! "Oo," matipid nitong tugon, labas pa sa ilong. Humiga na rin sa gilid ko si Dayday. Bukas pa kasi kami lilipat ng house kaya ang request namin, eh, kahit ngayon lang magtabi-tabi kaming matulog. Ang saya lang dahil napapagitnaan ako ng dalawang pinaka mahalang tao sa aking buhay. Ay mali, salimpusa lang pala sila dahil magulang ko pala ang pinaka mahalaga, ehehehehe. "Good night, Dayday and Samantha..." bulong ko. "Good night din, Lau..." "Night." KRISTOFFER "Hanep, Tope. Nakita mo na ba 'yong picture doon sa page ng school? Sinugod pala sa Hospital si Deina. Nakokonsensya tuloy ako nang slight," ani Ace. Pinanliitan ko siya ng mata para manahimik. "Psh, tama lang iyon sa kanya. Kita niyo ba kung paano umastang matapang ang isang looser na kagaya niya sa harap ko? Dapat talaga pinatulan ko na 'yon kanina nang tumiklop na nang tuluyan. Pasalamat siya at nakapagtimpi pa ako, dahil kung hindi babalik siya ulit sa Hospital," wika ko, punong-puno ng panggigigil. "Geez...katakot! Hahahaha! Wala lang, naawa lang naman ako bigla. Kumusta na rin kaya 'yong hinahanap nila kahapon? Napuruhan daw. Tibay kasi ng loob, aba'y hinahamon ka rin, hahahahaha! Mukhang mga may lahing amazona 'yong kaibigan ni Deina." "Wala akong paki. Magsama-sama pa sila. Hangga't hindi bumabalik si Eirine sa school, hindi ko tatantanan ang babaeng 'yon," mariin kong ani habang nag-e-enjoy sa pinapanood na liga sa TV. Naririto kami ngayon, nakatambay sa club room. Absent kasi ang teacher namin sa first subject kaya tamang chill lang. "Hindi mo ba natatanong si Tito Dants? Malay mo kapag nagmakaawa ka sa kanya, ibalik niya kaagad 'yong ex mo. At saka, bakit nga ba kayo nagbreak?" usyosong tanong ni Ace. Umayos ako ng upo, inabot ang baso na may iced tea tapos uminom muna bago sagutin ang tanong nito. "I don't know. Actually lasing ako noong nag-usap kaming dalawa. At ewan, kinabukasan hindi na niya ako kinontak. Tapos ayon na, ina-announce na ni Dad na 3 months suspended si Eirine sa SEA dahil sa putanginang violation na 'yon. Sino bang naglagay no'n do'n? Wala naman akong napansin na gano'ng rule sa student's handbook. Bwesit, pakiramdam ko may nag-insert lang no'n tapos hindi sa atin ipinaalam," gigil kong wika. "Pareho tayo ng iniisip, dude! Hula ko nga, tuta ni Aariyah, 'yon, pustahan! Dahil hindi naman talaga nila sa atin ipinapaalam kung may gagalawin sila sa handbook, eh. Ni hindi nga tayo nirerespeto ng ilang members ng SESS. Sasarap bangasan!" "Hanep sila. Ayusin nila ang trabaho nila dahil kapag ako gumalaw, lupa ang sasahod ng kanilang mga luha," mariin at seryoso kong pagbabanta. "Chill. Ngayon na nga lang nakipag-usap nang matino at mahaba, ganyan pa topic natin. Hahahaha!" sabi ni Ace. Inirapan ko ito at hindi na pinalagan. "Nasaan na pala 'yong Master mo at si Chase? Sabihin mo bumili nga ng pancake ingredients," utos ko. Habang tumatakbo kasi sa isip ko 'yong nangyari kahapon, may naisip akong bagong parusa kay Deina. "Pancake ingredients? Bakit hindi pancake na lang? Sinong magluluto?" tanong ni Ace. "Mama mo magluluto. Tawagan mo na sabi 'yong dalawa! Dami pa kasing daldal!" asik ko. Tamad na tumayo si Ace, nagtungo sa bag nito't kinuha ang cellphone. "Hello, Master? Nasaan na kayo? Gutom daw ang alaga nating buwitre gustong kumain ng pancake!" bulalas ni Ace tapos humagikhik sa tawa. Tumayo rin ako, nilapitan ito tapos sinikmuraan. Mahina lang iyon, talagang OA niya lang dahil umakto siyang nasaktan nang lubos. Kinuha ko ang cellphone nito tapos ako na ang kumausap sa Master nilang gala. "Sige, tawa pa, Yuri! Gusto kong bumili kayo ng mga ingredient para sa paggawa ng pancake. Make it triple dahil gagawa tayo ng human-size." Naningkit ang mga mata ni Ace, wari'y hinahanap ang rason kung bakit. "Human size pancake? Takte namang kagutuman mo yan dude!" "Aww!! Bat mo naman ako binatukan!" dugtong nito. Akala ko makukuha siya sa titig. Ngunit mukhang pumupurol na ang utak ni Ace. Kailangan na ng kaunting toktok. "Bakit ba ikaw ang kasama ko, ah? Kahit kailan talaga, tsk! Hindi ako nagugutom gung gong! At kung oo man, hindi pancake ang kakainin ko! Manood at mamangha ka na lang mamaya kung paano ko magagawa ang human size pancake," nakangisi kong ani. "Okay, sabi mo. Pero dude, pasok na tayo. At saka, na-process na rin pala 'yong paglipat ni Deina sa section natin, kita ko sa student's list na nakapaskil sa dingding sa labas ng room. Gago, wala ka talagang patawad. Balak mo atang i-torment buong maghapon ang kaluluwa ng babaeng 'yon." Tama 'yon. At hindi na ako makapaghintay na makita siyang nahihirapan araw-araw hanggang sa lumuhod siya't magmakaawa sa akin. "'Yan ang sagot ko sa kapangahasan na ginawa niya kahapon," matipid kong tugon bago tumayo't naglakad palabas ng pinto. Nauna ako at nanatili sa likod si Ace. Binagtas namin ang malinis na pasilyo patungo sa classroom. Pagkarating namin, nanahimik ang lahat noong makita kami. Swabe kaming pumasok, walang paki kung nasa unahan na ang guro. Umupo kami sa may dulo, pasimple kong inilibot ang aking mga mata upang hanapin si Deina, ngunit bigo ko itong matagpuan. Hindi pa rin ba siya nasasabihan tungkol sa paglipat niya sa section namin? Tsss. "Hindi ba't may hawak na copy si Aariyah ng contact number ng bawat estudyante ng SEA?" mahinang tanong ko kay Ace noong nakaupo na kami. Naagaw ng atensyon ko si Aariyah na nasa unahan lang namin kaya naalala ko 'yong tungkol sa contacts. "Ah, oo. Dala-dala niya 'yon palagi dahil alam mo namang laging may emergency na nangyayari rito sa school, kailangan niya iyon. Bakit?" tanong nito pabalik. Hindi ko na ito sinagot dahil pasimple kong inilapit ang aking ulo sa likod ng tenga ni Aariyah at bumulong. "Aariyah..." mahinang tawag ko. Hindi ito lumingon ngunit tinanong niya ako kung ano ang problema ko. "Nasaan 'yong bago mong kaibigan? 'Yong weirdo?" tanong ko. Medyo napalakas ata ang boses ko dahil tumingin sa aking gawi 'yong aming guro. Baguhan lang ito, kaya hindi niya pa siguro alam kung ano ang katungkulan ko sa paaralang ito, ngunit hindi sapat iyon na dahilan para makalusot siya sa akin. "Mr. Cruz! What do you think you're doing right now? Hindi ko na lang pinansin 'yong pambabastos na ginawa niyo kanina, pero ngayon, aba sumusobra naman ata!" malakas nitong wika habang nakahawak ang kanyang kamay sa kanyang bewang. "Shut the f**k up, you old freakin' lady!" pabulong kong tugon ngunit sapat na para makarating iyon sa kanya. "Anong sabi mo? Stand and get out of my class now! Hindi ko itot-tolerate ang kabastusan ng bunganga mo, ah! Umuwi ka't tawagin mo ang magulang mo!" Tinawanan ko lang siya sa kanyang sinabi. Sure ba siyang gusto niyang kausapin ang magulang ko? "Sure. Punta ka na lang sa Dean's office, nando'n si Dad, kayo mag-usap na dalawa," mayabang kong tugon. Nanlaki ang kanyang mga mata, natahimik at saglit na hindi gumalaw. Gulat ba siya sa nalaman? Tsss... "What? Gusto niyong makita ang magulang ko, right? Bakit hindi ka pa lumalabas?" mapang-insulto kong tanong. Kitang-kita ang pamumula ng pisngi no'ng baguhang guro. Kung hindi lang kasi siya nangialam, edi sana, hindi siya nalulunod sa kahihiyan ngayon. Nakipagsukatan lang siya ng tingin, still, hindi pa rin nagsasalita. Makalipas ang ilang segundo, nahimasmasan na ata siya't bumuka na rin sa wakas ang bibig. "Makakarating 'to sa inyong ama, Kristoffer Leinard Cruz," mariin niyang wika bago ipunin ang gamit niya sa table at mukhang magwo-walk out na ata. Hindi pa man siya nakakahakbang nang marami, eh, tumigil ulit siya dahil nagtama ang mga mata nila ni weirdo. "Good morning ma'am," nag-aalinlangang bati nito. Lumiwanag ang aking mukha noong makita si Deina. Pft, akala ko masasayang 'yong ingredients na pinabili k--- "Mi- Miss Gord!" Naagaw ang atensyon nang lahat noong bigla na lang himatayin 'yong teacher namin. Kaagad na tumakbo si Aariyah patungo sa unahan para tulungan si Deina. Halo-halong emosyon ang bumalot sa loob ng silid. May iba na nagbunyi dahil wala na namang pasok, 'yong iba ay natakot at kinabahan. Pinagtulong-tulungan ng iba na buhatin 'yong mayabang na baguhan para dalhin sa clinic. Habang inaaliw ko ang aking mata sa nakikita, siniko ako ni Ace dahilan para mapukol sa kanya ang aking atensyon. "Susunod ba tayo sakanila, Lei?" tanong nito. Pati siya ay kinakabahan din. "Ano ba 'yan! Bakit naman tayo susunod? Psh, ihahanda na natin 'yung mga ingredient para sa gagawing human-size pancake. Teka, nasa'n na ba 'yung magaling mong master, ahhh?" tanong ko akmang kukunin na ang cellphone sa bulsa upang tawagan si Yuri. "Speaking of the devil, ayun na sila," tugon ni Ace, sabay turo kina Chase at Yuri na may dala-dalang plastic bag. "Takte naman! Balak mo bang pakainin ang buong klase natin at triple ang pinabili mong ingredients?" pagrereklamo ni Chase. Nilapitan namin sila kaagad upang tulungan. "Bakit ba hindi niyo na idiniretso 'tong mga 'to sa hideout? Tanga naman!" sermon ko. "Eh, mas malapit kasi ito mula sa parking lot. At saka, anong nangyari? Nakasalubong namin sina Aariyah, may bitbit-bitbit," depensa ni Chase. "Hahaha! Nahimatay si Ms. Gord, napuno ata ng inis ang puso kaya ayon. Another achievement ni Lei, 'yon, hahaha!" sagot ni Ace. "Hanep. Iba ka talaga," wika ni Chase, animo'y proud sa narinig. "Tara na sa hideout. At saka, Yuri, pakitawag no'ng mga brat na bumugbog doon sa kaibigan ni Deina. SIla ang gagawin kong gwantes para sa human-size pancake na gagawin natin," nakangising ani ko. "I know what you're thinking, Lei. Hindi pa ba sapat na na-Hospital si Deina?" wika ni Yuri na ikinagulat namin. "Yuri, hindi ito ang tamang oras para magpaka-super hero ka. May atraso din naman sa iyo ang Deina na 'yun, di ba? So it's your time to take your revenge," tugon ko. "Not in this kind of play, Leinard," seryoso nitong wika. Aba, mukhang kakalabanin ako ngayon ng Master namin, ah? Pfft...seryoso ba siya? "Whatever, dude. Kung naaawa ka sa kanya, you must quit as the leader of TM4. Hindi kailangan sa grupo ang anghel na kagaya mo." "What just did you said?" Kinuwelyuhan ako nito at sinubukang tantyahin ang mga titig na ibinabato ko. Kaagad na pumagitna sa amin sina Chase at Ace at pilit kaming pinaglalayo sa isa't isa. "Chill lang mga dude. We have no time for this," wika ni Chase. May point naman ito kaya naman kumalma na rin ako. "Yuri, pwede wag ngayon?" seryoso kong pakiusap tapos nauna nang maglakad sa kanila. Pagkarating namin sa hideout, hindi rin nagtagal at dumating na rin 'yong mga ipinatawag ko. Noong makita ko sila, napangiwi ako dahil hindi ko inaasahan ang kanilang itsura. Akala ko makakakita ako ng maangas na postura, ngunit mukha silang kaladkaring babae sa kanto. Can't believe may ganitong klaseng estudyante sa loob ng prestihiyosong SEA. "Hey baby, wanna scream later, huh?" rinig kong tanong Chase sa isang p****k. Ilang beses akong umiling dahil hindi ako makapaniwala na ibaba ni Chase ang kanyang standard. Or, joke lang ba 'yong sinabi niya? Kadiri, amfuta. "Hinay-hinay naman Chase, kakasuka promise!" banat ni Ace. Pareho silang sinamaan ng tingin after no'n dahil kinakain nila ang oras. "Tama nang daldal! Ayusin niyo na ang lahat at makinig sa plano ko. Ayaw ko sa mga taong bobo. Intindihin niyo nang maayos ang sasabihin ko dahil isang beses ko lang ito uulitin." Habang ibinibigay sa kanila ang instructions, hindi ko mapigilang hindi matuwa at ma-excite. 'Maglalaro na naman ako Deina, and sad to say, sa larong 'to, ikaw ang aking target. Walang game over, walang time freeze, at hindi sa lahat, walang takasan!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD