CHAPTER 4.5

2250 Words
DEINA I used to be the person na... Deinapapansin Deinakikita nang lahat. Pero simula nang mawala ang bestfriend ko, simula nang mapalapit ang mundo ko sa mundo ng mga taong nasa tuktok ng tatsulok, naging magulo ang lahat. At ang impyernong kabayaran sa pagpasok sa kanilang mundo ay unti-unti ko nang nararamdaman. "Laurianne, ano? Sinagot na ba ni Sam 'yung tawag?" nag-aalala kong tanong. Apat na oras na ang nakakalipas simula noong saklolohan ako nina Sam at Lau at dalhin ako sa pinakamalapit na Hospital. Sinaway nila ako noong sinabi kong may clinic naman sa school, doon na lang nila sana ako dalhin pero duda daw sila. Maayos naman na ang lagay ko't hinihintay na lang 'yong Nurse bago kami makalabas. Nanghihinayang nga ako, eh. Unang pasok nila sa SEA, absent kaagad sila. Kung bakit ba naman kasi napaka-OA ng magpinsan, susmiyo marimar! "Wala, Dayday. Nagri-ring lang 'yung cp niya pero hindi niya sinasagot," tugon nito habang patuloy na sinusubukang kontakin si Samantha Lyh. Tinubuan ako ng kaba sa dibdib noong marinig ang paulit-ulit na sinasabi no'ng agent na kesyo hindi ma-reach 'yong number. "Hayss! Baka kung ano na ang ginawa nina Kristoffer sa kanya! Binalaan ko na siya na wag nang ituloy ang binabalak niya, eh!" bulalas ko. "Naku! Si Sam pa ba? Alam mong sing-tigas ng niyog ang bungo no'n!" panggagatong ni Lau. "Ay Dayday! Kaloka! Don't bite your nails! Ano ba 'yan!" bulalas nito sabay hawi no'ng kamay ko. Hindi ko napansin na nginangatngat ko na pala ang kuko ko sa sobrang kaba. Kapag may nangyaring masama kay Sam, ewan ko na lang. Wag naman sana dahil 'yong kademonyohan ko sa katawan na matagal kong ni-restrain ay magwawala nang tuluyan. Pasensyahan na lang kami ni Kristoffer. Matagal akong nagtimpi, nagkubli, namuhay nang tahimik. Nirespeto ko ang galit niya noong kaibiganin ako ni Eirine pero hindi ko kasalanan kung mapalayas siya sa SEA. Hindi ako ang naunang lumapit, at mas lalong hindi ko rin ginustong mapaalis siya sa school. Pero kung idadamay niya ang mga kaibigan ko sa galit niya, magkakamatayan kaming dalawa. Walang halong biro 'yan, shutangina. Nasa legal na edad na ako't pwede nang makulong, pero hindi ako natatakot kung humantong man ako sa gano'ng dulo at maghimas ng rehas. Ayos lang sa akin na ako ang agrabyaduhin, bastusin, gawan ng kakatwa at maging kakatwa. Pero once na lumagpas siya ng linya, wala nang atrasan sa aming dalawa. "Lau, punta na tayo sa school dahil hindi ako nilulubayan ng kaba. Baka napano na si Sam do'n," ani ko. "Wag na Dayday. Idederetso na kita sa bahay niyo tapos ako na lang ang pupunta sa school." "No! I insist! Please, Lau sasama ako! Hindi ako papayag na ikaw lang mag-isang pupunta sa school dahil baka pati ikaw ay madawit pa!" pagpupumilit ko. Saglit itong natahimik ngunit at the end, eh, pumayag din naman siya. Hindi naman niya ako matitiis, at takot niya lang kapag hindi siya pumayag. "Ma'am, heto na po 'yung form. Maaari na po kayong lumabas," sabat no'ng Nurse na kakapasok lang. Excited akong tumayo at mabilis na kinuha ang bag. Hindi na ako nag-abala pang ayusin ang sarili ko, kung may aayusin man dahil iniisip ko ang kalagayan ni Sam. Halos tumakbo na kaming dalawa ni Lau palabas sa sobrang pag-aalala. At noong makapasok na kami sa kotse nito, pinaharurot niya iyon kaagad. Buti na lang talaga't may pagka-mayabang din ang babaeng 'to. Kahit na walking distance lang 'yong school, eh, ginamit niya pa rin 'yong car niya. Gusto niya raw i-flex, putakte! "Sure ka na maayos na ang kalagayan mo, ah, Dayday! Ako'y nag-aalala rin sa iyo!" sabi nito habang naka-focus ang paningin sa daan. "Wag kang mag-alala, ayos na ako. Ang isipin mo ngayon ay kung paano paliliparin ang sasakyan para makarating kaagad tayo sa SEA," tugon ko. Ginawa naman ni Lau ang aking gusto. Maluwag ang daan kaya malaya niya iyong pinaharurot. "Hoy! Dayday ano ba umayos ka nga! Wag namang maging tense masyado dahil hindi ko naman ibabangga itong sasakyan! Baka nakakalimutan mo, laking racing competition 'to!" mayabang nitong wika. Napansin siguro niya ang panginginig ng kamay ko kaya naipagmayabang niya 'yong skill niya sa pagda-drive. "Baliw! Hindi ako natatakot sa ginagawa mo. Nag-aalala lang ako kay Sam, to the point na hindi ko na mapigilan ang pangingig ng aking kamay," depensa ko. Nagpakawala ito ng buntonghininga tapos sinubukang sulyapan ako. Mabilis lang iyon pero takte siya, isanlibong kilabot ang naramdaman ko. paano kapag mabangga kami?! "Wag ka ngang mag-alala masyado sa pinsan ko. Alam mo naman na sinundan niya ang yapak mong pagiging amazona! Chill ka lang, okay? Kung may kumalaban man sa kanya ng one on one, naku! Alam mo na kung sino ang mananalo!" proud na bulalas nito. Kahit anong sabihin niya, hindi maiibsan 'yong kaba na nararamdaman ko. Matitigil lang ito kapag nakita kong nasa maayos na kalagayan si Sam. "We're here!" tili nito na ikinatuwa ko nang labis. Agad akong bumaba ng sasakyan at pinilit ang aking katawan na sundan si Lau sa pagtakbo. Naramdam ko ang pagkirot ng aking ulo pero kaya namang tiisin. Lumagapak kasi 'yong katawan ko sa tiles, kaya ito ang kapalit, ang makaramdam ng kalat-kalat na sakit ng buong katawan. Tumatakbo kami patungo sa classroom ni Sam ngunit bigo kaming mahanap ito roon. Tiningnan din namin ang canteen, CR at kung saan-saan pa pero hindi pa rin namin siya mahagilap. Gusto nang sumuko ng mga paa ko sa kakatakbo ngunit nag-aalab ang aking damdamin na mahanap si Sam at sama-samang umuwi sa bahay. Nakikita kong napapagod na rin si Lau kaya nagdesisyon na ako. Ikinuyom ko ang aking kamao bago sabihin sa kanyang magpahinga na lang dahil aakuin ko na ang responsibilidad. "Dito ka na lang maupo, okay? Pupuntahan ko ang opisina ng TM4 at magbabakasakaling nasa puder nila si Sam," seryosong wika ko. "Eh?! Wag na! Mas lalo kang mapapahamak! Hindi ka pa nga masyadong magaling, eh! Dayday, humingi na lang tayo ng tulong sa Student's council o kaya magsumbong sa Principal!" alok nito. Umiling ako dahil kapag ginawa ko iyon, mas lalo lang lalala. Alam ko ang nais ni Kristoffer, nakuha ko ang gusto niya sa laro naming dalawa. "Dito ka na lang muna at please...wag na wag kang aalis, okay? Wag kang gagawa ng hakbang na hindi ko alam, pakiusap," sabi ko bago tumakbo nang mabilis patungo sa aking destinasyon. Though, malapit lang naman sa hinintuan namin ni Lau ang opisina, grabe 'yong pagod na sinasapo ko ngayon. Tipong, hindi pa nga ako kumakatok ng pinto, eh, nangunguna na sa panginginig ang aking tuhod. "Sana ay walang nangyaring masama sa kanya...para na rin sa ikakatahimik nang lahat," bulong ko habang tinititigan ang narang pinto. Huminga ako nang malalim, siguro mga tatlong beses ko iyong ginawa bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na katukin ang pinto. Noong una hindi nila ako pinagbuksan kaya naman nilakasan ko pa lalo ang mga sumunod na pambubulabog hangga't makulitan sila sa akin. "Oh, look who's here, Lei," bati ni Ace na may gulat sa mukha noong makita ako. Hindi ko alam pero nakaramdam ako nang labis na insulto noong makitang nagulat siya sa aking presensya. Bakit? Inaasahan ba nila na mamamatay ako sa simpleng prank na iyon? Umurong si Ace para mabigyan ng daan si Lei. Tumambad sa akin ang matatalim nitong mata, seryosong ekspresyon at ang naglalagablab nitong awra. Alam kong kating-kati ka nang tanggalin ako sa landas mo, pero pasensya na, dahil wala akong balak na magpatianod sa kagustuhan mo. Ikaw ang nagsimula nang laro... Dinamay ang kaibigan ko kaya wala ng rason para lumaban nang patas sa iyo. Tatlong taon akong naging sunud-sunuran sa hindi patas na tatsulok na siyang nagdidikta sa kapalaran at buhay ng bawat mag-aaral dito sa St. Emillion. Tama na siguro iyon--- Dahil ngayon na ang panahon para baligtarin ang lahat. "Akala ko luluhod ka sa harap ko ngayon at magmamakaawa, ngunit dahil sa mga titig na ibinabato mo sa akin, mukhang hindi iyon ang ipinunta mo rito," wika nito. Bawat salita na binitiwan niya ay matatalim, sapat na para maputol ang kalawanging kadena't makawala ang demonyo sa aking katawan. Humakbang ako palapit sa kanya. Akala ko magugulat siya sa kapangahasang ginawa ko ngunit ni isang muscle sa mukha nito ay hindi gumalaw. Alam niya na kaya simula't sapul na kaya kong gawin ang ganito? Na sumalungat sa agos? At kalabanin siya? Or, itinatago niya lang sa kanyang loob ang pagkagulat? Alinman sa dalawa, hindi na iyon importante. Gusto ko lang malaman kung nasaan si Sam, iyon lang at wala nang iba. Buong lakas kong hinablot ang kwelyo ng uniporme nito. Para magawa iyon, tumingkayad ako dahil matangkad siya sa akin ng ilang sentimetro. "Nasaan si Sam?" diretso kong tanong. Nagpakawala siya ng ngisi bago tabigin ang aking kamay. "Mukha ba akong hanapan ng taong panget?" tanong nito habang ibinabalandra ang mapang-insultong ekspresyon ng kanyang mukha. Nanginig ang aking panga. Kinagat ko nang malakas ang ibaba kong labi para pigilin ang gigil, ngunit kapag ipinagpatuloy niya pa ang pagpapakita ng kayabangan, ipapasalangit ko na lamang ang lahat ng maaaring mangyari. "Sa pagkakaalam ko, ako lang ang nasa dead list kaya bakit niyo dinamay si Sam?" seryoso kong tanong sa kanya. Mas lalong lumawak ang mapang-insultong ngiti sa kanyang mukha. Kinamumuhian kita nang lubos, Kristoffer Leinard... Marahas nitong hinablot ang aking leeg. Mahigpit, punong-puno nang galit. Nakipagsukatan ako ng titig sa kanya kahit na nahihirapan ako sa sitwasyon ko. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa aking leeg ngunit hindi iyon umubra kahit na isang kamay lang ang gamit niya. "Sinong nagbigay sa iyo ng permiso para titigan ako nang ganyan? Gusto mo na ring mamatay katulad ng kaibigan mo? Pwes, ibibigay ko rin iyon sa iyo nang dalawa na kayo ang mapaglamayan ngayong araw." Panggigigil, 'yon ang sangkap ng bawat salitang kanyang binitiwan. Hindi ako tumigil na titigan siya. Kung mamamatay man ako ngayong araw, gusto kong tumatak sa kanyang kokote, hanggang sa maalala niya sa kanyang panaginip ang mapang-amok kong titig. Labis na akong magbubunyi, dahil bago ako mamatay, nainis ko ang dakilang Kristoffer Leinard. Bibigay na ang isa kong mata, nararamdaman ko na rin ang sakit dulot ng kakulangan ng hangin. "Lei, tama na...mamamatay siya!" sabat ni Yuri. Hinawakan nito ang kamay ni Kristoffer, ngunit hindi nakinig ang demonyo. Seryoso siyang tapusin ang buhay ko ngayon din mismo. Pwes, kung gano'n, pasensya na dahil wala pa akong balak na mamatay. Inipon ko ang natitirang lakas sa aking katawan at sinipa ang maselang bahagi ng kanyang katawan, dahilan para mabitiwan ako nito. Napasalampak kaming pareho sa sahig, ang kaibahan lang namin ay naririyan ang mga kaibigan niya para sumaklolo sa kanya. "DEINA!" napalingon ako habang sapo-sapo ang leeg noong marinig ang boses ni Lau. Kasama niya si Aariyah na kaagad na sumaklolo sa akin. "Ayos ka lang ba?" nag-aalala nitong tanong. Tumango ako para hindi na sila mag-alala. "Dayday! Nakita na namin si Sam at malubha ang kanyang mga tama sa katawan!" sumbong nito. Nanlaki ang aking mga mata noong marinig iyon. Yumuko ako nang bahagya dahil pakiramdam ko sasabog ang galit sa aking katawan. Mabilis akong tumayo, hinarap muli si Kristoffer na tangan-tangan nina Yuri at Ace. Sinugod ko siya't muling kinuwelyuhan. "ANONG GINAWA MO KAY SAM!" nanggigigil kong sigaw. Hinila ako palayo nina Aariyah at ganoon din ang ginawa nina Yuri sa kanyang kaibigan. "Hindi sila ang may gawa ng pambubugbog kay Sam, Dayday! Alam na namin kung sino pero sa ngayon kailangan nating magmadali!" bulalas ni Lau. Hindi ako kumibo at hinayaan kong ilayo nila ako sa grupo nina Kristoffer ngunit ang Leyon ay hindi marunong magpatawad. Gaano man kaliit o kalaki ang kasalanan, ang matinding parusa ay kailangang sumukob sa may sala. "Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo, ah, Aariyah? Ngayong napatunayan na wala akong kasalanan sa pagkawala ng kanyang panget na kaibigan, hindi ba't dapat na makatanggap ako ng kapatawaran mula sa kanya? At dahil mabait ako, ang kabastusang ginawa niya ay hindi malalaman ng mga mag-aaral para maisalba ang kanyang kaluluwa sa galit ng mga ito. Iyon ay kung luluhod siya sa akin at hahalikan ang aking sapatos," mayabang na wika ni Kristoffer. Liningon ko siya. At isa lang ang ginawa ko para matahimik ang kanyang kaluluwa. Binalandrahan ko siya ng middle finger bilang sagot sa mahaba niyang lintana at nagpatuloy sa paglalakad. "Ha! Ikaw na ang pumili ng katapusan mo, Deina Autumn. Ngayon pa lang nakikiramay na ako sa mauulila mong pamilya, dahil hindi ko papalampasin ang kapangahasang ito!" rinig kong ngawa ni Kristoffer. "Walang problema! Itapon mo nang itapon ang iyong baraha at sasaluhin ko iyon nang mag-isa. Wag ka lang ding magkakamaling idamay at galawin sinoman sa mga kaibigan ko, dahil ibang usapan na iyon," tugon ko na may halong pagbabanta. Alam kong kahibangan ang ginagawa ko. Sino ba namna ako para hamunin ang Hari nang lahat? Ngunit wala na itong atrasan katulad nang sabi ko kanina. "Hahahahaha! Tingnan natin kung hanggang saan aabot ang lakas ng loob mo," rinig kong pahabol nito. Kahit hindi ako lumingon, ramdam ko na nakangiti siya sa aking gawi. Hindi lang basta ngiti, dahil paniguradong evil smile iyon with matching death glare. Sa ngayon, isinantabi ko muna 'yong kay Kristoffer. Nanggigigil ang dugo ko sa katawan dahil sa galit doon sa mga may gawa ng kapahamakan kay Sam. Ngayon pa lang, manalangin na ang mga nilalang na may sala. Dahil hindi ako titigil hangga't hindi nakikita sa katawan nila ang parehong bakas na ginawa nila kay Samantha...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD