CHAPTER 4: AWAKENING

1004 Words
SAM "Hoy! Ikaw mukhang ipis!" malakas kong sigaw sa lalaking nagngangalang Kristoffer Leinard. Kahit maraming tao, sumisingaw 'yong masangsang niyang ugali, kaya madali siyang nakita ng aking mga mata. Nanggigigil ako sa apog nitong damuho na 'to! Makaasta akala mo may karapatan na siya sa buhay ng mag-aaral dito! Noong maagaw ko ang atensyon nito, isang mapang-insultong ngiti ang ibinalandra niya. Mukhang confident pa rin siya na hindi ko siya papatulan dahil lang sa kanyang estado sa paaralang ito. Pwes, ipapatikim ko sa kanya kung anong kayang gawin ng isang katulad ko! Kahit na binalaan ako ni Deina na wag kakalabanin ang kutong lupa na iyan dahil siya ang Hari rito, at lubha siyang delikado, wala akong pake. Ngayon ko lang nalaman at nakita na inaalipusta si Deina. Isa siya sa mga taong tinitingala ko, respetado at talagang mabait. Ni isa, walang nanalo sa mga kumalaban at nambastos sa kanya noong doon pa siya nag-aaral sa probinsya namin, tapos malaman-laman ko pagdating dito, mamata-matahin lang siya ng lampayatot na katulad niya? "Look who's here," mayabang na wika nito. Wala akong pake kung maraming taong nakapaligid sa amin. O kung may umepal at may makisawsaw. Gusto ko lang pagsabihan ang hambog na 'to at ipakilala sa kanya kung sino ang kanyang binabangga. Hindi man siya nag-iisa pero hindi ako natatakot sa kanila! "Sabihin mo nga sa akin kung anong problema mo sa kaibigan ko?! Namumuro ka na, sinasabi ko sa iyo! Pwede ko pang palampasin 'yong ginawa mong pambabastos sa kanya kaninang umaga, pero ngayon? Tangina mo, ibang usapan na ang ginawa mo! Hindi ka ba naturuan ng magulang mo ng respeto sa kababaihan? Naturingan kang anak ng Principal tapos wala kang modo!" matapang kong bulalas. Nagngangalit ang aking panga, feeling ko, sa sobrang galit, nagtalsikan ang aking laway habang sinasambit ang panggigigil ko sa kanya. "Excuse me, Miss but it seems like you are barking with the wrong tree," sabat no'ng lalaking kutis harina. Matangkad pero hindi ako matitinag. "Kausap ba kita?" mataray kong tanong. "Naks, Chase! Mukhang may katapat ka na!" panunukso no'ng isa sa kasamahan ni Kristoffer na nakasuot ng round cap. "Nagpapatawa ka ba, Ace? Paanong naging katapat, eh hindi nga umabot sa balikat ko ang height ng pandak na ito," natatawang banat ni kumag. "Sabihin niyo na ang gusto niyong sabihin, wala akong pake. At isa pa, ha, anak harina, hindi ikaw ang kinakausap ko, kung hindi 'yang mayabang niyong Haring mukhang ipis. Tandaan mo ito," mariin kong panimula. "Magpasalamat ka at hanggang ngayon nagpipigil ako na sapakin 'yang mukha mo dahil inutos ni Deina. Pero kapag may nangyaring masama sa kaibigan ko dahil sa kawalanghiyaan mo, ako mismo ang maglilibing sa iyo nang buhay!" dugtong ko bago sila layasan. Kung hindi lang talaga dahil kay Deina, matagal nang nakatikim ang Kristoffer na 'yan! Habang gigil na naglalakad palayo, narinig ko ang mala-demonyo nitong tawa. Malamig, buo at lubhang nakakatakot. Hindi ako lumingon at hindi ako huminto sa paglalakad dahil kapag ginawa ko iyon, wala na...siguradong magwawala ang kamao ko. "Since, libre lang naman ang mambintang, nilulubos mo na. Sige, wala namang kaso ang kasalanan mo pero ewan ko na lang kung patatawarin at papalampasin iyan ng mga taong nakapaligid sa iyo." Kumunot ang noo ko noong marinig iyon. Anong ibig niyang sabihin? "Let's go dahil nakuha na niya ang nais niyang spotlight. Good luck na lang sa kaluluwa mo, alipin ni Deina," mayabang na wika nito na may halong pagbabanta pa. Kinuyom ko ang aking kamao para sana pigilan ang galit ko pero hindi ko na kaya. Bumibinggo na talaga si ipis ngayong araw. "Aba, talagang makapal ang mukha mo!" nanggagalaiti kong sigaw bago sugurin 'yung leader nilang walang puso. Nasapul ko 'yung panga ng bwesit na Leinard na 'yun kaso hindi na iyon nasundan pa dahil pinigilan kaagad ako ng mga alagad niya. "Ano ba bitiwan niyo ko! Mga duwag! Ano ba!" buong lakas kong pagpupumiglas. "Gusto mo talagang mamatay nang maaga? Pwes, I'll give you what you want!" gigil na bulalas nito. Mukha siyang batang umaaktong matapang pero deep inside, naiiyak na siya. Mahinang nilalang. Binalandrahan ko lang siya ng malutong na ngisi para mas lalo itong inisin. Hindi niya magawang makalapit dahil buong lakas siyang pinipigilan no'ng kaibigan niya. "Bitaw," mariin kong utos doon kay anak harina at doon sa lalaking nakasuot ng cap. Binitiwan naman nila ako kaagad at mabilis na tumabi sa kanilang Hari. "Hoy! tandaan mo yung sinabi ko, ahhh mukhang ipis!" pahabol kong sigaw bago muling maglakad nang patalikod. Samut-saring mura lang ang naiganti nito dahil iyon lang ang afford niyang gawin. Patawa-tawa akong tumalikod ngunit kaagad iyong naudlot noong salubungin ako ng matatalim na titig ng mga nilalang sa aking gilid. Sinubukan kong maglakad nang normal at isipin na parang walang nangyari kaso bigla na lang may humila sa buhok ko. Sa sobrang lakas nito, akala ko natanggal na ang aking anit. "Mukha atang naghahanap ka ng gulo?" malditang wika no'ng babaeng kulay blonde ang buhok. "Peste bitiwan niyo ko ano, ba!" sigaw ko pero mukhang wala siyang marinig. Sinubukan kong bawiin ang buhok ko pero pinagkumpulan na ako ng mga higad na maiiksi ang palda. Kinaladkad nila ako patungo sa tagong bahagi ng paaralan. Kahit may nakakakitang estudyante sa miserable kong sitwasyon, wala silang ginawa kung hindi ang tumunganga at magbulungan sa gilid. "Ano ba! Ang sakit! Hoy!" sigaw ko noong hindi na lang isa ang sumasabunot sa akin kung hindi lahat na sila, siguro nasa lima. Tiniis ko ang sakit habang kumikiskis ang ibaba kong katawan sa lupa. Ilang segundo pa ang nakalipas at nakarating kami sa lugar kung saan naglalakihan ang mga puno. Binitiwan na nila ang buhok ko, napasalampak ako sa lupa. Nagkumpulan sila sa itaas ng aking ulo at ngumisi nang nakakaloko. Akala ko makakatakas na ako, ngunit hindi pa pala, dahil ang gagawin nilang palabas kung saan ako ang bida ay magsisimula pa lamang. "Girls, alam niyo na ang gagawin sa pangahas na babaeng ito," maldita at mabagal na wika no'ng babaeng blonde ang buhok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD