KRISTOFFER "Hahahahaha! Jackpot na ba 'yan, Ace? Taragis! Buti hindi ka hinila sa leeg ni Lei!" masayang bulalas ni Chase habang naririto kami sa restaurant na pagmamay-ari ng kanyang kapatid. "Lol! Kating-kati ka ngang ayain 'yong kasama ni Laurianne, eh. Dinaga ka lang!" banat naman no'ng isa. "Sinong dinaga? At saka di ako papatol do'n, tibo 'yon, boklogs ka. Si Yuri Kamo ang dinaga. Kinuha 'yong number ni Deina, eh, kahapon pa nating kasama iyon." Habang nagpapalitan ng masasayang salita 'yong tatlo, lumalangoy ang utak ko sa balitang natanggap mula kay dad kagabi. "Lei? Ayos ka lang ba? Kanina ka pa wala sa mood," tanong ni Ace. "Nah. Lilipat na sa bahay 'yong kabit ni dad kasama 'yong berdugong anak," tamad na sagot ko. Napaayos sila ng upo, naghahangad na marinig ang mas malalim