DEINA "Time freeze muna. Puta, namamalat na ang boses ko. Dapat kasi si Ace na lang 'yog gumanap na Aphrodite," pagrereklamo ni Chase. Halos mamatay-matay na kami sa kakatawa dahil para siyang baboy na tinalian sa lalamunan. Okay naman na ang una naming pasada, kaunti na lang ang ipa-polish, salamat naman dahil magagaling umarte ang TM4, ako lang talaga ang hindi. "Sige," sabi ni Aariyah tapos lumapit ito sa akin. Hawak-hawak ang script, itinuro nito sa akin kung saang parte siya nakukulangan. "Deina, dito sa part na ito, kailangan kang i-hug ni Yuri. Gusto kong medyo papalag ka kasi di ba, hindi maganda 'yong relationship nina Helen at Menelaus, so ayon. Tapos dito naman, sa part na ito kung saan makukuha kana ni Kristoffer, ahm, ang balak ko kasi, maghahalikan kayong dalawa pero aktin