DEINA "Ang bobo kasi! Lasing siya kaya ayon nahulog sa pool noong subukang lumapit sa akin," depensa ko sa tanong ni Ace. Kung tingnan kasi nila ako hindi ko alam kung natutuwa sila, o nag-aalala para sa kalagayan ni Kristoffer. At saka, anong ginagawa nila? Bakit hindi pa sila kumikilos? Ano? Hahayaan na lang naming malagay sa peligro ang buhay ni Kristoffer at magtititigan na lang, ha? Well, pabor sa akin iyon, sila ba? Palag ba sila? Ilang segundo pa ang lumipas, kumilos na sina Yuri. Dali-dali itong lumapit kay Kristoffer, lumuhod at sinipat kung buhay pa ba ang demonyo. Napa-cross ako ng mga daliri habang bumubulong sa loob-loob na sana'y natuluyan na. Charot. Hindi naman kasing haba ng sungay ni Kristoffer ang sa akin, hahahaha! "Le--Lei," mahinang tawag ni Yuri. Tumayo na ako pa