CHAPTER 29 "P-Pinsan?" hindi makapaniwalang saad ni Maxine. Kurt stood up straight. Humakbang pa ito palapit sa kanya kasabay ng pagkibit nito ng mga balikat. Isang nakalolokong ngiti pa ang sumilay sa mga labi nito habang hindi siya hinihiwalayan ng tingin. "Yes, pinsan ko si Kristine. Pamangkin siya ni papa, anak ng pinsan niya," imporma sa kanya ng binata. Naguguluhan pa ring napapailing na lamang siya. "S-She... She called you darling." "Yes," anito. "It was her endearment to me... and so with our other cousins. Lumaki siya sa Amerika, Maxine. She was somehow clingy to us." Hindi siya nakasagot. Dahil sa pananahimik niya ay mas lumuwag ang ngiting nasa mga labi ni Kurt. Nagpatuloy pa ito sa pagsasalita nang hindi siya umimik. "Nagseselos ka ba sa kanya?" tuwiran nitong tanong.