CHAPTER 28 Marahas ang naging paglingon ni Maxine kay Kurt nang marinig niya ang mga sinabi nito. Nang humarap siya dito ay ni hindi niya na alintana pa na basang-basa ang magkabila niyang pisngi dahil sa pag-iyak na ginawa. Ibinuka niya ang kanyang bibig upang sana ay magsalita ngunit hindi siya makaapuhap ng ano mang salitang sasabihin sa binata. In the end, her mouth remained slightly opened as she stared at him. Maging ito man ay matamang nakatitig sa kanya. Hindi pa nakaligtas sa paningin ni Maxine ang pagdaan ng samu't saring emosyon sa mukha ni Kurt habang magkahinang ang kanilang mga mata. She saw gentleness, longing and... love? Disimulado niyang hinamig ang kanyang sarili kasabay ng pagpahid ng kanyang mga pisngi. "Tell me, why are you here, Maxine? And why are you crying?"