CHAPTER 22

2001 Words

CHAPTER 22 Ang huling pag-uusap nina Maxine at Kurt ay hindi na muli pang nasundan. Sa Montecillo University ay halos madama niya ang pag-iwas sa kanya ng binata. Sa tuwing may pasok sila ay halos hindi ito nakikihalubilo kanino man. Huli na itong papasok at lagi na ay nauuna pa sa paglabas kapag natatapos ang kanilang klase. At sa tuwing nakikita niya ang tuwirang pag-iwas nito ay halos madurog ang puso ni Maxine. Gusto niya man itong lapitan ay hindi siya makakuha ng lakas ng loob. Alam niyang siya ang dapat sisihin kung bakit ganoon na ang pakikitungo sa kanya ni Kurt. Sinukuan niya ito. Agad siyang bumitaw sa relasyon nilang halos kasisimula pa lamang. At some point, tama ito nang sabihing hindi niya ito pinaglaban. Mas pinili niyang paluguran ang mga taong nagpalaki sa kanya kaysa a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD