NAABUTAN niyang seryoso ang pag uusap ni Lorenzo at Princess Maxine Raccia. Pero hindi siya nakisali sa usapan ng mga ito at tahimik lang naupo sa tabi ng kanyang asawa. Sa palagay niya ay galit si Lorenzo, ayon sa kakaibang aura nito. May kakaiba rin sa tema ng pananalita nito. At ito namang hipag niya ay parang wala naman pakialam kung nagagalit ba ang kapatid nito. “Alam mong hindi malilihim sa akin kahit pilitin mo pang itago ang mga ginawa mo, Princes Maxine.” “Hindi rin kita maintindihan' Kuya Rowen, kung hinayaan mo sana ako noon. Ang tuluyan alisin na sa landas natin ang matandang yon. Hindi na sana siya nagpapa gulo pa sa isipan mo ngayon.” “Dahil hindi iyon tama, Princess Maxine!” “At ano ang tama sa kagaya ng murderer na yon. Sige sabihin mo' Kuya Rowen, baka sakaling maunaw