PATULOY ang putukan at ng mga oras na yon ay kakaiba ang kanyang pakiramdam. Iba pa rin pala kapag nakikita mismo ng kanyang mga mata ang mga taong tinatamaan ng bala. Kalaban man nila ang mga namatay ngunit hindi pa rin niya mapigilan makaramdam ng awa sa mga ito. “Alam ko ang nararamdaman mo, Hipag. Pinagdaanan ko rin ang ganyang pakiramdam noong bago pa lamang ako sa White Assassin. Hindi ko rin kayang pumatay noon pero nang nalagay ako sa alanganin ay nagawa kong kalabitin ang hawak na baril. Kaysa ako ang mamatay, kaya tandaan mo sa mundo nating ginagalawan. Hindi mo dapat pairalin ang takot sa Diyos. Sapagkat kapag iyon ang nanaig ay ikaw ang ung mamamatay. Isa lang ang buhay natin, at kapag nawala iyon ay hinding hindi na muling babalik pa.” “Pasensya na, Princess Maxine. Siguro t