EPISODE- 33

3203 Words

GABI siya dumating sa kinaroroonan ng kanyang mag-ina. Hindi niya pinaalam dito na darating siya at nag-akyat bahay siya dahil sa veranda dumaan. Masarap ang tulog ng kanyang mag-ina kaya dumiretso siya sa loob ng banyo at mabilis na naligo. Pagkatapos ay sinuot ang naroon na roba at tumabi ng higa sa dalawa. Hinalikan niya pareho ang anak at asawa saka pumikit. Dahil pagod mula pa sa biyahe ay agad na nakatulog. “Lorenzo!” malakas na tawag sa kanya ang nagpa dilat ng kanyang mata. At naroon ang kanyang asawa na nakatunghay sa mukha niya. “Asawa ko, good morning.” “Anong oras ka dumating at hindi mo ipinaalam sa akin na pupunta ka pala dito?” “Huwag ka ng magtampo, aking mahal. Sorpresa kaya hindi ko sinabi, I miss you so much, asawa ko. Kaya halika dito at payakap muna ako.” napangit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD