KASAMA niyang nagtungo sa bansang Thailand si Calem at limang elite. Para dumalo sa pangkalahatang pagpupulong ng bawat pinuno. Pagdating pa lamang nila sa hotel na titigilan ng dalawang araw ay nakaramdam na agad siya kakaiba. Kanina sa arrival area ay na sulyapan niya ang ama at mga tauhan nito. At hindi niya iyon inaasahan dahil wala itong position upang dumalo sa naturang pagtitipon. Ngunit anong ginagawa nito sa bansang ito kung walang masamang balakin? “Alam kong nakita mo rin si Papa, at sa palagay mo ano ang pinunta niya dito?” “Nakatanggap ako ng mensahe mula kay Wyatt, meron siyang email sa iyo, Master Lorenzo. Baka isa iyon sa sasabihin niya.” “Okay, mamaya ko basahin pagdating natin sa hotel. Ang gawin mo ay manmanan si Papa kung ano ang tunay niyang pakay bakit naririto di