EPISODE- 24

1833 Words

INABOT sa kanya ni Wyatt ang cellphone nito upang makita niya ang ginawa ni Ms. Nikki sa lalaking bumaril kay Calem. “Saan mo nakuha ang clip na ito at sino ang kumuha ng video?” “Iyon din ang palaisipan sa akin, Master Lorenzo. Meron nag padala sa akin ng video clip na yan. Pero mamaya ay iti-trace ko kung kanino galing inuna ko lang ipakita sayo.” Pinindot niya ang play button at pinanood ang nilalaman ng video clip. “Tarantado ka isang tanong na lang at kapag hindi ka pa sumagot ay bubutasin ko ang ulo mo! Sinong nag-utos sayo para patayin si Senorita Elizabeth?” “S-Senyor…. Bang!” binalik niya ang cellphone kay Wyatt. Kumuyom ang kanyang kamao sa galit. Alam na niya kung sino ang taong nasa likod ng pagbaril kay Calem. “Master Lorenzo?” “Alamin mo kung sino ang nagpadala ng clip

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD