DALAWANG linggo ang nakalipas magmula ng mangyari ang pagbaril sa bodyguard na si Calem. Nakatanggap sya ng impormasyon na isa sa mga araw na yon ay darating sa mansion niya ang ama sampu ng mga tauhan nito. Kaya naman ay agad siyang nagbigay ng utos sa lahat ng mga tauhan na maging alerto. Masyadong tuso ang kanyang ama at hindi ito basta mananahimik. Lalo pa at hindi nito nakuha ang gusto. “Lorenzo, anong nangyari bakit ang mga armado ang tauhan mo?” “Asawa ko huwag kang mag-panic, naka alerto lang silang lahat dahil parating ang aking ama. Mas mabuti ang handa silang sa posibilidad na gagawin pagsugod dito ni Papa.” “Iyong pa ang matagal ko ng iniisipat gustong itanong sayo. Bakit ganun na lang ba ang galit sayo ang papa mo?” “May problema siya sa kanyang mga Negosyo at ako panguna