ILANG oras magmula ng umalis si Lucrecia ay nakarinig siya ng putukan. Pinilit niyang bumangon dahil alam niyang hindi siya ligtas sa kamang hinihigaan. Kaya lang hindi kinaya ng kanyang mga paa ang bigat ng katawan at bumagsak siya lapag. At isang bala ang tumagos sa bintana diretso sa kamang hinigaan niya kanina. Sa bandang taas nanggaling ang bala kaya sigurado siyang sniper ang nagtangkang bumaril sa kanya. Ilang segundo pa ang lumipas ay bumukas ang pintuan. Apat na lalaki ang nagmamadaling pumasok at lumapit sa kanya ang dalawa. “Master Lorenzo, kailangan maka-alis agad tayo dito.” “Sino kayo at saan niyo ako dadalhin?” “Tauhan kami ng kapatid mo.” sabay labas ng pagkakakilanlan nito. Kaya naman ay napatango na lamang siya. Pag labas nila ng silid ay may ilang lalaki ang nakahand