PANAY sulyap niya sa wall clock dahil sa pagkainip. Ngayon ihahatid ni Wyatt ang kanyang asawa at pakiramdam niya ay napakabagal ng oras. “Mamaya pa ang mga yon makakarating, Kuya Rowen. Kaya huwag mong hintayin mas mabuti ay tingnan mo ang ginawa kong ito.” agad niyang inabot sa kamay ng kapatid ang tablet. At kumunot ang kanyang noo sa nakikita. “Hindi ako tutol sa plano mong ito, Princess. Kaya lang parang masyado pang maaga ang gagawin mong ito?” “Matagal ko na dapat itong ginawa. Pero kagaya ng sinasabi mo, may mga taong dapat isaalang-alang. Kaya tiniis natin ang pagpapahirap nila sa mahabang panahon. At ngayon na ang oras upang pagbayarin silang lahat.” “Bakit hindi mo muna ako hintayin gumaling bago ka gumawa ng aksyon?” “Mas mabuti ngayon ko simulan dahil kampanti pa silang