DE ‘MORELLO FALLS PRIVATE RESORT, ang nakasulat sa mataas na gate. Luminga siya sa paligid upang alamin kung ligtas ba ang kanyang asawa at anak sa lugar na yon. Napaka-ordinaryo at liblib pa kaya hindi niya maiwasan mag-alala. “Master Lorenzo, alam kung meron kang agam-agam sa lugar na ito. Pero ang masasabi ko ay ligtas tayong lahat dito. Halika na pumasok na tayo sa loob.” Nag paiwan siya kanina sa labas upang magmasidmasid muna sa paligid. Sa klase ng buhay na meron sila ay normal na lang siguro ang ganitong pakiramdam. Laging may pangamba para sa kanyang pamilya. “Alam mo ang mundo natin Wyatt, kaya ang gusto ko ay masigurong walang panganib sa aking asawa at mga anak.” “Kaya nga dito ko kayo dinala, dahil alam kong ligtas at tahimik ang lugar na ito.” “Naniniwala naman ako sayo,