ELIZABETH POV. NAKATINGIN lang siya sa asawa na panay sigaw habang nasa itaas ng burol. Ganito ba talaga ito kasaya ng marinig sa bibig niya ang salitang I love you? “Bumaba ka na riyan at tigilan mo ang pag sigaw dahil nakakahiya kung may nakakarinig sayo.” Sinunod naman siya nito at pagkatapos ay lumapit sa kanya. Ang buong akala niya ay yayayain na siya nitong bumalik sa falls. Subalit nagulat ng buhatin siya nito pagkatapos ay umiikot-ikot pa sa ere. “Lorenzo, baka mabitawan mo ako.” at ibinaba rin naman agad siya nito. Pero hinila siyang paakyat sa silid nila at ito ang pumili ng isusuot niya sa paliligo. “Huwag kang magsuot ng maikli dahil maraming lalaki. Iyong mga bodyguard mo hindi ba sila maliligo?” “Ewan ko sa kanila.” “Bakit hindi mo sila yayain ng may kasama ka sa falls?