SA buong isang linggo nilang pananatili sa DE ‘MORELLO FALLS PRIVATE RESORT. Isa lang ang kanyang hinahangad ang mamuhay silang matiwasay. At mangyayari lamang iyon kapag tuluyang nabuwag ang organisasyong kinabibilangan ng kanyang asawa. Kaya naman ay pumasok sa isipan na tutulungan niya si Lorenzo upang mahanap ang seal na sinasabi nito. Alam niyang hindi ganun kadali ang papasukin niya pero handa niyang tiisin ang hirap. Kung sa bandang huli naman ay makakamit din nila ang kalayaan mula sa magulong mundo ng mafia. “Malayo yata ang iniisip mo, aking mahal?” “Wala naman, naisip ko lang kapag nagsimula na ako sa pagsasanay. Baka hindi ko na masyadong maalagaan ang ating anak.” “Ang mahalaga ay naririto ka at kapiling namin sa gabi. Kahit maubos ang oras mo sa araw-araw basta sa pagtulo