THANKSGIVING day, nakasuot siya ng white coat and tie. Ganun din si Wyatt, dark gray pero hindi nito ginamit ang tie. Nakabukas din ang isang butones ng inner nitong white long sleeve polo. Pareho silang may kulay ang buhok pero syempre magkaiba pa rin naman. “Master Lorenzo, meron nakatingin sa atin.” “Hayaan mo sila, punta muna ako sa men’s room. Huwag kang lalayo’ Wyatt, mahirap na baka biglang may makakilala sa atin dito.” “Maya maya ay susunod ako sayo, Master Lorenzo.” “Sige, ikaw ang bahala.” At humakbang na siya patungo sa kaliwang bahagi ng hall. Naroon sa bandang dulo ang para sa mga lalaki at sa kanang bahagi ay sa mga babae. Pagdating niya sa loob ay meron dalawang lalaki. Kaya bahagya siyang nagyuko ng ulo upang kahit paano ay maikuble ang kanyang mukha. “Mauna na ako, ma