IBINIGAY niya kay Wyatt ang full name ni Ms. Love Leah Vasquez. Gusto niyang malaman kung sino ang babaeng ito. Dahil nang unang kita niya dito ay magaan ang kanyang loob. Lalo at pareho sa kanyang midden name ang apelyido nito. Baka isa ito sa kamag-anak niya sa mother side. Paano kaya kundi nila nakita si Ms. Love, baka organ na lang ang nabubuhay ngayon sa dalaga. “Master Lorenzo, ayos ka lang ba riyan?” “Ha? Ouch! Sa palagay mo’ Calem, okay ako dito?” kundi pa tinawag ni Calem, saka lamang siya bumalik sa realidad. “Hindi ako mapalagay’ Master Lorenzo, sa tingin ko ay masakit na ang iyong mga paa.” “Bakit ba kasi dito tayo pumasok kasalanan mo ito, Calem.” paninisi niya sa kanyang bodyguard. “Hindi ko naman inakala na ganito ang mangyayari sa ating dalawa, Master Lorenzo.” nan