HINAYAAN niyang magkasarilinan ang ina at kapatid. Iniwan muna nila ito at nagtungo silang lahat sa poolside. Dumating ang mga kaibigan ni Kuya Ree. Ganun din ang bayaw na si Raven. At ayon sa naririnig niya ay isa lang daw ang kulang sa mga kaibigan nito. Si Mr. Kyle Montemayor, hindi niya ito kilala pero pinsan daw ng asawa ni Raven. “Aking Mahal, bakit nakatingin ka sa kanila?” “Wala naman, Lorenzo. Naisip ko lang na marami pa rin ang mabait na tayo. Hindi sila tumitingin sa katayuan ng isang tao. Kaya masasabi kong swerte si Kuya Ree, na nagkaroon siya ng mga kaibigan na gaya nila. “Sa pagkakaibigan walang diskriminasyon. Kapag nagkakasundo at may tiwala sa bawat isa. Hindi mahalaga kung sino at ano ang pinagmulan.” “Kaya nga masaya ako para sa kanya na kahit sinira ng ibang tao an