HABANG tinutulungan niyang makapag bihis ang kapatid. Hindi maganda ang kanyang nararamdaman sa paligid. Parang may nagbabadyang panganib. “Kuya Ree, may kakaiba akong pakiramdam. Pwede ko bang papasukin dito sa loob ang dalawang bodyguard ko?” “Oo naman sige at tatawagan ko ang guard sa labas.” “Salamat. Kuya Ree.” At sabay pa silang nag-dial sa kani kanilang cellphone. Pagkatapos ay dinampot niya ang jogging pants nito at sinimulan suotan ito. “Alam ba ng asawa mo na naririto ka?” “Hindi, ang alam lang niya ay pupunta ako sa eksklusibong mansion. Isuot mo pala ito’ Kuya Ree, mas mabuti na yong handa tayo sa posibleng mangyayari.” Sabay hubad niya sa suot na bullet proof vest. “Sayo yan bakit mo ipapasuot sa akin, Eli?” “Huwag ka ng magreklamo, sa ngayon wala ka pang kakayahan kumi