ELIZABETH POV. HINDI mo yata inaasahan ang pagkikita natin ito, Ms. Larissa Terran? Hindi ba at noon pa ay gusto mong mawala ako sa landas nyong magkapatid?” “Mabuti naman pala at alam mo, ang buong akala ko hanggang ngayon ay wala ka pa rin nalalaman.” “Ngayo'y naririto na ako at magkaharap tayong dalawa. Bakit hindi mo gawin ang matagal mo ng nais sa akin?” “Gagawin ko talaga yon at ngayon nasa harapan na kita ay ito na ang tamang pagkakataon.” “Bago mo gawin ang matagal mo ng plano sa akin. Bakit hindi mo kaya muna tanungin kung bakit ako naririto?” nakita niyang natilihan sa gagawing pagsagot sa kanya si Larissa. Pero saglit lang at ngumiti pa bago tuluyan lumapit sa harapan niya. “Hindi ako interesado na marinig ang dahilan mo kung bakit ka narito. Ang pakinggan mo ay hindi ka n