ILANG araw ang lumipas bago nagpakita si Princess Maxine. Inabot nito sa kanya ang seal na pinag taka niya kung bakit nasa kamay nito iyon. At ayaw niyang magkaroon ng pagdududa sa kanyang kapatid. Tinitigan niya ito sa mga mata ngunit wala naman siyang nakikita ng kakaiba. “Bakit ikaw ang nagdala nito nasaan si Princess Evannah?” “Hindi ko alam, basta ibinigay niya sa akin ang seal at ibigay ko raw sayo.” “Nagsasabi ka ba ng toto, Princess Maxine?” “Bakit hindi ka naniniwala sa sinasabi ko?” “Naniniwala ako dahil kapatid kita. Ngunit ang alam ko ay magkaaway kayong dalawa. Galit din kayo sa bawat-isa kaya paano basta lang binigay niya sayo ang bagay na ito?” “Bahala ka Kuya Rowen, kung anuman ang iniisip mo ay ikaw lang ang nakakaalam. Basta ibinigay niya ang seal sa akin nang gabin