HALOS galugarin niya ang buong underground makita lang si Wyatt at Calem. Ngunit isang oras na silang naghahanap ay walang palatandaan na naroon ang dalawa. At hindi siya aalis sa lugar na yon ng wala ang dalawa. Muli ay pumasok sila sa loob at inisa-isa ang bawat lagusan na maaaring daanan. Subalit wala pa rin kaya naisipan niyang magtungo sa pagawaan ng droga. Pagbungad pa lamang niya ay nanghilakbot na siya sa nadatnan. Dahil gumuho na pala ang lugar na yon sa ilang magkakasunod na pagsabog kanina. “Hanapin ninyo silang dalawa dahil hindi tayo aalis dito hanggang wala sila!” malakas niyang sigaw habang sinisikap pagkasyahin ang sarili sa butas. Para lang makapasok sa loob ng natabunan na mga machine. “Master Lorenzo, delikado ang lugar na ito dahil baka muling gumuho. Kami na lang po