KASALUKUYAN siyang nasa loob ng gym nang tumunog ang kanyang cell phone. “Master Lorenzo, nasaan ka dahil may kailangan kang malaman.” “Okay, maghintay ka sa lanai at patapos na rin ako dito sa gym.” “Sige’ Master Lorenzo, gusto ko rin ipaalam na narito si Ms. Grisel at ikaw ang pakay niya.” “Sige, pero magbibihis muna ako.” Matapos ang pag uusap nila ay napapaisip siya kung ano ang mahalagang sasabihin ni Ms. Grisel. Tapos sabi ni Wyatt, nag-iba ng plano sa anong dahilan naman kaya? Nagbihis lamang siya at bumaba na sa lanai. Natanawan niya ang tatlo habang umiinom ng kape. “Magandang araw, Master Lorenzo.” Pagbati sa kanya ni Ms. Grisel. “Sige maupo ka, ano pala ang sadya mo, Ms. Grisel. Bago ko pakinggan ang sasabihin mo, Wyatt.” Dahil parang hindi na makapaghintay ito sa gustong