DUMATING na ang notice mula sa pinakamataas upang humarap siya sa kanilang founder. Kasama niya si Calem, Wyatt at ang kaibigan si Dr. Norman. Ayaw sana niya ngunit ang kanyang asawa ang may gusto na isama ang mga ito. Dala ang kumpletong ebidensya ay dumating sila sa South. Doon gaganapin ang naturang pagdinig ng kaso sa loob ng pamamahala ng Batas Mafia. Naroon ang si Retired Mafia Boss Brent Lucas Maximano at Triplets Mafia Boss. Ganun din ang West Mafia Queen. “King Lorenzo, may gusto akong tanungin sayo.” Na lingunan niya ang boses ni Retired Mafia Boss Lucas Brent Maximano. Samantala ay tahimik naman sa tabi nito ang Triplets Mafia Boss. “Uncle Brent, mabuti at naririto po pala kayo.” sabay sulyap niya sa Triplets Mafia Boss. “Doon tayo sa silid, may mga gusto akong tanungin say