Palakad lakad siya sa garden bilang exercise dahil hindi siya makapag gym. Sariwa pa ang sugat niya sa tinamo na tama ng bala. "Bakit hindi ka maupo baka mamaya ay dumugo ang sugat mo?" "Huwag lang matatamaan ng kahit anong bagay ay ayos lang naman. Saka masyado kang nag-alala sa akin ang layo pa sa kamatayan ng sugat ko." "Ang dami mong sasabihin kamatayan talaga?" Ngumiti na lamang siya sa asawa. Ayaw na ayaw niyang nakikita itong nag-aalala sa kanya. "Aking Mahal, kailan mo gustong bumalik tayo ng Manila?" aniya upang ibahin ang usapan. Saka alam niyang gusto na rin ng kanyang asawa ang idea na yon. Hindi lang magawang sabihin sa kanya. Isang ugali nito ay marunong maghintay sa sasabihin niya. "Bakit pwede na ba? Ang ibig kung sabihin ay paano ang nga evacuation. At si West Mafia