EPISODE- 74

2045 Words

KINAUSAP niya si Mr. Josh Montemayor, huwag muna mag-issue ng warrant of arrest gaya ng nauna nilang plano. Mas magandang sa araw mismo ng kasal ng kaibigang doctor hulihin ang mga kriminal. Dahil na rin sa email na natanggap niya. Ang hinala nga niya ay ang kinikilalang ama ng kaibigan ang nagpadala ng email na yon. Dahil walang ibang mag lakas loob na mag-email sa kanya ng ganun. Kaya ng sumapit ang araw ng kasal. Maaga pa lamang ay naka posisyon na ang mga tauhan niya. Sa Saint Mary’s Cathedral Church, gaganapin ang pag-iisang dibdib ng kaibigan. Wala siyang idea kung bakit bigla ang pagbabago ng isipan nito. At pumayag sa ayaw na ayaw nitong kasal. At kung anuman ang dahilan ng kaibigan ay malalaman din niya. “Sigurado ka ba’ Aking mahal, pumayag ka na si Harvey ang ring bearer?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD