LORENZO POV. MALAKAS niyang sinipa ang pintuan ng silid na kinaroroonan ng ama-amahan. Ang pinaka demonyong tao na nakilala sa buong buhay niya. Pagkagulat ang rumihistro sa mukha nito ng makita siya. Pero ilang segundo lang at napalitan din agad ng matinding galit. “Huwag ka ng magtaka kung bakit nakapasok ako dito sa loob.” balewala niyang pahayag sa ama na halos bumangon mula sa higaan at gusto na siyang suntukin. “Son, anong kailangan mo at sumugod ka ng hindi nag sabi sa akin?” aba biglang naging mahinahon mukhang nakakaramdam na ng panganib. “Son? Kailanman ay hindi mo ako naging anak kaya tigilan mo ang pagtawag tawag sa akin ng ganyan dahil nakakasuka na pakinggan!” “Ano nga ang ginagawa mo dito at sinong nagpapasok sayo sa teritoryo ko?” muling tumigas ang mukha at umigting n