PATUNGO sila sa mental hospital upang dalawin ang kapatid na may sakit. Nakaalalay siya sa kanyang kapatid dahil hindi pa ito lubusang magaling. Mabagal pa rin lumakad kaya hindi nila magawang bilisan ang hakbang. “Gaano na pala katagal na nakakulong dito ang sinasabi mong kapatid natin, Kuya Ree?” Pitong taon na akong CIA kaya almost ten years. Noong limang taon pa lamang siyang nakakulong sa mental hospital. Sinabi ng doctor na maaari ko siyang iuwi na ng bahay kung gusto ko. Subalit wala naman akong permanenteng tirahan kaya pinili ko na lang na dito siya manatili. “May chance pa ba na gumaling siya?” “Sabi ng mga doctor ay hindi naman daw malala ang kalagayan niya. Kaya lang ay siya mismo ang ayaw nang makipag usap sa kahit sino. Tapos lumalala ang depression niya kaya nauwi sa pag