DUMATING siya sa mansion ng ama at humarang ang mga bodyguard nito. Sa klase ng tingin sa kanya ay parang gusto siyang patayin ng mga ito. “Tumabi kayo kung ayaw ninyong magkagulo tayo dito!” “Wala binigay na pahintulot Bigg Boss, upang papasukin ka!” hindi niya binigyan ng pagkakataon na unahan pa siya ng mga ito. Malakas niyang pinakawalan ang magkakasunod na sipa at suntok. Bawat tamaan ay lugmok sa semento.” “Parang hindi ninyo ako kilala, tabi!” sigaw niya sa ibang nakaharang. Kasunod ang kanyang mga bodyguard at pumasok sila sa loob. Hindi niya nakita ang ama sa hall kaya tumuloy siya sa library nito. “Bakit naririto ka?” sinita agad siya nito ng makapasok sa loob. Hindi agad siya nagsalita at nagmasid muna sa paligid. “Tinatanong kita bakit naririto ka?” “Alam mo ang dahilan k