PAGDATING nila sa lugar ay may humarang sa kanila. Kaya hindi niya muna pinayagan bumaba ang kanyang asawa. “Calem, pagbaba mo ay kausapin mo agad ang leader nila at sabihin na may gustong makipagkita kay Mr. Reegan Vargas.” “Master Lorenzo, may hinala akong mga CIA ang mga ito.” “Paano mo nalaman?” “Here, tingnan mo ang mga tattoo nila sa likuran ng taenga.” Agad niyang inabot ang telescope at tiningnan ang sinasabing tattoo ng mga kalalakihan. Kilala kaya ito ng kapatid na si Raven? “Sa palagay mo kasamahan ni Raven ang mga yan?” “Hindi ko sigurado pero kung kasamahan man ang mga yan ni Boss Raven. Ibig sabihin ay sila din ang grupong sangkot sa pag sabog na naganap sa Macau?” “Malalaman natin yan mamaya sa ngayon huwag kang magpapa halata. Puntahan mo sila at sabihing may taong g