September 5, 2029
~7:00 pm~
Chi
“Mukhang may party nga talaga mamaya. Eh, ang aga ba naman nila tayong pinauwi,” saad ni kuya Isko nang makapasok na kami ng tuluyan sa aming unit.
At tuluyan nga akong napatango sa sinabi niya kasi dahil kanina ngay ‘yon ang laging laman ng mga usapan ng kaklase namin. At ibang-iba nga talaga ang araw na ito kumpara sa nakaraang araw kasi parang naging normal lang lahat at parang isa lamang na ngang normal na paaralan ang Mendeleev.
“Eh, ano naman kayang mangyayari sa party mamaya kuya Isko?” nagtatakang tanong ko ngayon sabay bagsak ng katawan ko sa sofa.
“Normal na party, ‘yon ang sinabi nila Samuel kanina. Tulad nong mga napapanuod natin sa mga Netflix series Chi,” sagot ni kuya Isko na mukhang malaki nga ang expectation sa mangyayari mamaya pero ako parang nag-aalangan pa rin ako.
Dahil baka kasi mamaya, iba ang normal na iniisip naming mga taga-baba sa normal nila dito sa taas.
“At sabi pa nga nila ay hindi lang ang Director ang makikisalo mamaya kundi maging ‘yong ibang myembro ng institusyon. That means, masasarap din talagang pagkain ang ihahain nila,” saad pa nga ni Kuya Isko na sobrang laki pa nga ng ngiti ngayon nang dahil sa excitement na nararamdaman niya ngayon.
“B—baka nga siguro kuya Isko.”
Omicron
“Teka, anong oras ba tayo matatapos dito? Gabi na oh, hindi ba masisira baga natin? Halos magdamag na nating inaamoy ‘yong nagkalat na toxic dito. Hindi naman kasi totally natatrap nitong mask ‘yong mga toxic gases eh,” sunod-sunod ko ngang bulong kay Helena na kasalukuyan ngang binubuksan ang tiyan ng isa sa mga bangkay at ‘yong dalawa naman ay nasa kabila ngayon at abala rin sa pag-auautopsy ng katawan.
“Omicron, hinding-hindi masisira ang baga mo dahil one hundred percent ang nafifilter ng mask na suot natin. Kaya tumahimik ka nalang nga diyan at hayaan mong tapusin ko itong katawan na ‘to,” sagot nga ni Helena sa akin na sinamaan pa nga ako ng tingin dahilan para tuluyan akong matahimik at bumalik na lamang sa pag-oobserba sa kanila na mukhang sanay na sanay nga talaga sa pag-auautopsy.
“Sa galing mong ‘yan sa pangangalkal ng mga katawan ng tao, siguro pathology ang major mo ano?” tanong ko nga kay Helena out of curiosity.
“How about you?” baling na tanong niya.
“C—civil Engineering,” sagot ko at nagtaka nga ako nang bigla siyang tumigil sa pangangalkal at biglang ibinaling ang tingin sa akin.
“R—really?”
Hindi makapaniwalang tanong niya dahilan para taasan ko nga siya ng kilay.
“O—oo, bakit hindi ba kapanipaniwala ha?” sunod-sunod ngang tanong ko pero hindi nga lang niya ako sinagot agad bagkus ay bumalik muna siya sa pangangalkal ng katawan.
“Kaya pala hindi ka sanay sa mga ganitong bagay at halos mamatay ka na sa tuwing nakakakita ng bangkay.”
“Eh, sino ba namang hindi masusuka at matataranta sa mga katawan na ‘yan. ‘Yong iba pa nga inuuod na at punong-puno na talaga ng manggots,” pangangatwiran ko nga at itinuro pa nga ang bangkay na iniinspect niya ngayon na siya ngang hindi ko pa rin maatim na tignan ng matagal na oras.
“T—teka, pati rin ba sila pathologist?” nagtatakang tanong ko rito sabay tingin kina Zild at Heisen na siyang ngang muling nasagi ng mata ko nang umiwas ako ng tingin sa bangkay.
“Lahat kaming Cluster A ay pathologist,” sagot nito na dahilan para tuluyan nga akong mapakunot ng noo. “And lahat din kami ay mga engineers, surgeons, geologist at iba pa.”
“Really?”
At halos manlaki nga ngayon ang mga mata ko sa gulat nang sabihin niya ‘yon.
“Because simula pagkabata ay talagang itinuro na nila sa amin halos lahat ng fields kaya huwag ka ng magulat kung bakit ang ibang estudyante rito ay mentally unstable at halos lahat ay nasiraan na nga ng bait nang dahil sa pressure na ibinigay ng institusyon sa amin. And majority of us do not want to waste all those time na iginugol namin sa pag-aaral.” saad nga nito na siya ngang natigilan sa paghahalungkat. “To the point na pumapatay na ang iba ng kapwa nila tao just to remain as a student of this school and to be part of the institusyon as we graduate.”
Paliwanag nga nito na siyang dahilan upang matigilan nga ako ngayon at unti-unting mapagtagpi-tagpi ang mga pangyayari.
Helena
“Helen, tapos na ba kayo?” tanong ni Heisen sa akin na ngayon ay palapit na nga sila sa amin ni Omicron.
“It’s already eight in the evening miss president, baka malate tayo niyan sa party,” saad ni Zild dahilan para mapabuntong hininga ako at tuluyan na ngang ibaba ang toothed forceps at scalpel na hawak ko.
“Teka, anong p—party?” nagtataka ngang tanong ni Omicron.
At bago ko pa man nga siya sagutin ay inalis ko nga muna ang gloves ko.
“Hindi ba nasabi ko na sa’yo na Director’s visit ngayon and kasabay nga doon ang party kada gabi ng Tuesday,” sagot ko nga sa kaniya.
“Oo Omicron, may party na magaganap mamaya that is why you need to bring your own lady ha ‘cause it is part of the whole event,” nakangiting saad ni Zild sa kaniya.
“By the way, Helen, meron ka na ba—“
“May date na ako, si Omicron,” sagot ko dahil inexpect ko na talaga na ‘yon ang itatanong niya at nilakihan nga ako ng mata ngayon ni Omicron nang banggitin ko ang pangalan niya as an excuse.
“Ah—“ panimula pa nga sana muli ni Heisen ngunit muli nga ay pinutol ko na naman ito.
“I’m so sorry Heisen pero si Omicron na kasi ‘yong naunang nagtanong sa akin eh,” saad ko pa nga pero tuluyang nga akong nagtaka nang biglang umiling ito at tumawa naman si Zild.
“Miss President, hindi ka tatanungin ni Mister President kung may date ka na ba,” saad ni Zild na nagpipigil nga ngayon ng tawa dahilan para tuluyan nga akong matigilan at mapaiwas ng tingin kay Heisen nang dahil sa kahihiyan.
“Tatanungin sana kita kung meron ka na bang vip card for the party mamaya,” saad nga ni Heisen dahilan para mas lalo akong mahiya ngayon at ma-awkwardan sa sitwasyon.
At bago ko pa man siya sagutin ay napabuntong muna nga ako ng hininga. “M—meron na. A—and late na pala kaya mauna na siguro kami ni Omicron.”
Agad ko ngang hinawakan ang pulso ni Omicron at hinila na nga ito papunta sa elevator.
“Anong merong kayo nong anak ng director ha? Kasi I can feel the tension between you and him,” saad ni Omicron na mukhang balak pa nga akong asarin dahilan para samaan ko siya ng tingin.
“Wala,” tipid kong sagot at agad na ngang pumasok sa elevator nang nagbukas ito.
“Talaga ba? Oh, baka naman may past kayong dalawa?” pang-iintriga pa nga niya dahilan para harapin ko siya at samaan muli ng tingin.
“Ikaw, kung hindi ka talaga titigil diyan, ay talagang papakainin talaga kita ng daga,” saad ko sa kaniya pero tumawa nga lang ito na siyang inakala ata ay nagbibiro lang ako.
“Talagang-talaga?” biro pa nga niya dahilan para tuluyan ko na ngang kunin ‘yong bag ko na punong-puno nga ng samples at doon ay kinuha ko nga ang dagang pasimple kong kinuha kanina at ibinalot sa sample bag.
“Hindi ka talaga titigil?” tanong ko pa nga ulit sa kaniya habang nakangisi na ako ngayon ay iniimagine na ang magiging reaksyon niya sa oras na iharap ko sa kaniya itong daga.
“Talagang hindi talaga ako titigil,” tawa pa nga niya dahilan para ilabas ko na ng tuluyan ang daga at tiyaka agarang inilapit sa mukha niya na dahilan para mapasigaw ito at napaatras ng tuluyan.
“H—hoy, bakit may daga ka sa bag mo ha?” gulat na tanong niya dahilan para matawa ako ng dahil sa reaksyon niya.
“Ano? Hindi ka pa rin titigil?” tanong ko pa nga muli at tiyaka nga dahan-dahan na inilalapit ang daga sa kaniya.
“Oo na, titigil na!”
Bulalas nito dahilan para matuwa ako at tuluyan na ngang ibinalik ang daga sa bag ko.
At ilang segundo rin nga kaming natahimik na dalawa sa loob ng elevator matapos ang pangyayaring ‘yon ngunit nang tumunog na nga ang elevator na hudyat na nasa floor na kami ng unit ko ay bago pa man ako lumabas ay hinarap ko nga muna siya at iniabot sa kaniya ang isang vip card na dahilan para mapakunot ang noo niya nang dahil sa pagtataka.
“Ano ‘to? VIP card? Bakit mo naman ako bibigyan niyan?” sunod-sunod ngang tanong niya.
“Ang sabi ko kanina ikaw ang date ko hindi ba? Kaya ‘yan VIP card para masamahan mo ako mamaya sa boring na VIP Area,” sagot ko at nag-aalangan pa nga ito noong una na kunin ang card dahilan para ako na mismo ang maglagay ng card sa kamay niya.
“Aasahan kita mamaya ha. At tiyaka reward ko na rin ‘yan sa’yo dahil mukha traumang-trauma ka talaga sa mga nasaksihan mo in the past days na kasama mo ako,” saad ko at tiyaka na nga tuluyang naglakad palabas ng elevator.
Novermber 14, 2022
“Helen, are you okay?” nag-aalalang tanong ni Heneral Garcia sa kaniyang anak na ngayon ngay nasa isang tent ng Cluster 1.
Kasalukuyang ginagamot ngayon ng isang Doktor ang kaonting sugat ng kaniyang anak sa paa na siyang natamo niya mula sa pagsabog malapit sa bungad ng cluster 1.
“I’m okay po dad. Pero mas kawawa po ang batang nagligtas sa akin,” saad ni Helena na itinuro nga ang batang lalaki na siyang nagligtas sa kaniya kanina. Dahil kung hindi dahil sa batang lalaking ito ay baka hindi lang nga kaonting sugat ang natamo nito.
“Aray!” bulalas ng batang lalaki nang pahiran ng doktor ang napakalaking sugat nito sa likod.
“Helen, tiyaka ka nalang magpasalamat sa batang ‘yon dahil ngayon na ang alis natin papunta sa taas,” pabulong ngang saad ng Heneral sa kaniyang anak na siyang inilingan nga nito.
“Pero dad, kung hindi ko siya papasalamatan ngayon ay kailan pa?”
“Helen,” tawag pa nga ng Heneral nang biglang tumayo ang kaniyang anak sa pagkakahiga at paika-ika ngang pinuntahan ang batang lalaki na ngayon ay paunti-onti nang naiidlip dahil sa anaesthesia na isinaksak sa kaniya ng Doktor.
“Bata, maraming salamat sa tulong mo ha. Bilang pasasalamat ay sasabihin ko sa’yo ang pangalan ko at hanapin mo lang ako kung sakaling may problema ka o kailangan dahil handa akong tulungan ka kahit kailan,” saad ni Helena. “Helena Garcia ang aking pangalan.”
At nang saktong natapos nga ito sa pagsasalita’y tuluyan na ngang nakaidlip ang batang lalaki.
“Helen, tara na,” tawag ng Heneral sa kaniyang anak.
“Wait dad, narinig niya kaya ‘yong mga sinabi ko?” tanong pa nga ng bata dahilan para tuluyan ngang mapakamot ng ulo ang Heneral.
“Helen, malilate na tayo. Sigurado naman akong matatandaan ka ng batang ‘yan kaya tara na,” saad nito na tuluyan ng naubusan ng pasensya at hinawakan na nga ang pulso ng kaniyang anak kaya’t wala na ngang nagawa ito kundi sumunod sa kaniyang tatay.