Part I: Kabanata 15

2156 Words
September 5, 2029 Omicron “T—teka, meron talagang dungeon? So, totoo talaga ang mga sinabi mo sa akin?” sunod-sunod ngang tanong ko ngayon kay Helena habang umiiwas nga ng tingin ngayon sa nakasabit na katawan ng patay na tao na halos hindi ko maatim na makita dahil balot na balot na nga ito ng uod. “Mukha ba akong nagbibiro ng sinabi ko ‘yon sa iyo?” sarkastikong tanong nga ito na kay tapang ngang nilapitan at ininspeksyon ang nahawakan kong katawan kanina. At nang ilibot ko nga ang tingin ko sa buong paligid ko ngayon ay halos kilabutin at masuka ako nang dahil sa mga nakakalat na mga bangkay sa paligid at meron pa nga ‘yong nakasabit din at walang mata. “Ricardo Cruz ang pangalan niya,” sambit ni Helena dahilan para mapatingin ako sa kaniya dahil hindi ko nga gets kung sino ang tinutukoy nito. “Itong lalaking inuuod ay si Ricardo Cruz. At ang siyang presidente ng block E at ang iba pa ngang katawan dito ay pagmamay-ari mostly ng mga estudyante sa block E,” patuloy niya dahilan para unti-unti akong mapatango. Kaya pala noong mga nakaraang araw ay napansin ko ngang wala kaming block E na pinupuntahan. “I—ibig sabihin, ang block na ito ang natalo sa monthly evaluation niyo last month?” tanong ko rito ngunit umiling ito bilang sagot na ngayon ngay kumuha pa ng sample tissue nong katawan dahilan para magulat ako dahil parang wala nga lang ito sa kaniya at tila mukhang sanay nga siya sa mga ganitong bagay. “Nope, sila ang mga natalo noong July. At ‘yong mga natalo sa last evaluation, siguradong marami pang buhay sa kanila ngayon at sigurado rin akong marami nang nagpapatayan ngayon sa kanila,” sagot niya sabay libot nga sa paligid niya at naglakad na nga ngayon papunta pa sa ibang mga bangkay na siyang sinundan ko naman. “T—teka, ilang blocks ba kayo originally?” nagtatakang tanong ko nga sa kaniya dahilan para mapatigil siya sa paglalakad at tignan ako. “One hundred blocks,” sagot niya dahilan para tuluyang manlaki ang mata ko nang dahil sa gulat. One hundred blocks? Tapos sampung blocks nalang ang natitira ngayon? “Simula pagkabata ay hinati na kami into blocks,” saad nito dahilan para mapakunot ako ng noo. “That means, simula noong mga nasa ten years old palang kayo ay nagpapatayan na kayo?” gulat na tanong ko rito ngunit natawa nga lang ito at kahit na itago niya ay nakita ko ngang napangiti siya sa sinabi ko. “Hindi naman sila ganun kabrutal. May konti rin naman silang konsensya kaso—konti lang. Of course, ang one hundred na blocks na ‘yon dati ay nahahati sa dalawa. Fifty blocks for the ages fifteen to twenty-three and fifty blocks para sa mga batang fourteen pababa,” paliwanag niya dahilan nga para mabunutan ako ng tinik at mapatango. Ngayon ngay napatigil siya sa tapat ng katawang inalisan ng mata na siya ngang tinititigan ko kani-kanina lang. At nagtaka nga ako nang biglang may parang kinuha nga si Helena sa sahig at laking gulat ko ngayon nang pulutin niya ang isang mata at inilagay muli sa isang panibagong plastic bag na siyang pinaglalagyan niya ng mga sample tissues. “Eh, hanggang ngayon ba may mga bata pa rin na nag-aaral dito sa Mendeleev Academia?” tanong ko sa kaniya nang nakatayo na nga muli siya ng maayos. “Meron, ngunit mga nasa 3 blocks nalang siguro sila. Kaonti na kasi ang mga bata dito sa taas kaya nga medyo nanibago at nagulat ako nang makitang marami pa ring mga bata sa baba,” sagot niya na naglakad na nga muli. “Kaya pala nanguha sila ng mga taga-baba para ipunta dito sa Mendeleev dahil mukhang nagkakaubusan na kayo?” nag-aalangan ko ngang tanong dito. “Siguro.” “Pero ang ipinagtataka ko nga ay nagkakaubusan na nga ang mga tao rito pero payag pa rin ang institusyon na magpatayan ang mga estudyante? Hindi ba magiging extinct na tayo niyan dahil sa ginagawa nila?” sunod-sunod na tanong ko pero imbes na sagutin ako nito ay nagulat nga ako nang tumigil siya at hinarap ako dala ang napaka-seryoso niyang mukha. “Tigil,” saad nito dahilan para mapakunot ako ng noo at magtaka. “A—ano?” nagtatakang tanong ko pero hindi nga lang niya ako sinagot bagkus ay tumingin siya sa baba kung saan ako nakatapak ngayon at nang marealize ko nga kung saan ako nakatapak ay halos magsisisigaw ako at magtatatalon dahil sa gulat. “Daga lang ito Omicron,” matapang na saad ngayon ni Helena habang hawak-hawak na nga ang buntot ng daga at tiyaka nga sinadya pa talagang ilapit ito sa mukha ko dahilan para mapaiwas talaga ako agad. “D—daga lang ‘yan? Seryoso ka ba sa sinasabi mo ha?” sunod-sunod ngang tanong ko habang umiiwas pa rin dahil patuloy nga niyang inilalapit ito sa akin at mukhang inaasar pa nga talaga ako ng babaeng ito dahil tawang-tawa pa ito sa panunuod sa mga reaksyon ko. “Bakit? Wala bang daga sa baba?” tanong nito na ngayon ngay nagpapasalamat talaga ako ng todo nang sa wakas ay naisipan na rin niyang ibaba ang hawak niyang daga sa isang hindi kalakihang butas. “W—wala. Ngayon na nga lang ako ulit nakakita ng daga eh,” sagot ko dahilan para taasan niya ako ng kilay. “Syempre joke lang. Marami rin naman daga sa baba. P—pero sa lahat ng hayop ay sadyang sila lang talaga ‘yong pinandidirihan ko,” saad ko dahilan upang unti-unti ngang bumaba ang nakataas niyang kilay. “Talaga ba? Nandidiri ka talaga sa daga?” sunod-sunod ngang tanong nito na ngayon pa ngay nakangisi dahilan para makaramdam ako ng kaba. “Hey, I know you’re planning something ha? Huwag na huwag mo akong babatuhin ng daga!” bulalas ko at tiyaka nga paatras na lumayo sa kaniya. “Alam mo, parang mas babae ka pa kung umarte sa akin,” saad nito na ngayon ngay may hinugot mula sa kaniyang bulsa na para bang maliit lang na flashlight pero nang may pindutin na itong button ay nag-expand nga ito at naging normal na, na flashlight ang laki nito. “This,” saad niya sabay tapat ng ilaw sa may butas na pinaghulugan niya nong daga kanina dahilan para halos kilabutan ako dahil sa gulat nang malamang hindi lang pala mag-isa ‘yong daga bagkus ay sa butas na ‘yon makikita mo ang kumpulan na mga daga na nasa ibabang floor. “Gusto mo bang ihulog kita diyan?” sarkastikong tanong ni Helena habang nakangisi pa rin nga ngayon dahilan para lakihan ko siya ng mata. “Hey, hey, miss president easy ka lang.” At halos sabay ngang nabaling ang atensyon namin ni Helena sa lalaking nagsalita mula sa likod ko at namukhaan ko nga agad ito maging ang katabi niya na siyang presidente ng paaralan at siya ring anak ng Director ng Pilipinas na ayon nga kay Chi at Isko ay Heisen daw ang pangalan nito at hula ko ngang Zild ang pangalan nong unang nagtanong kanina na siya ngang parang assistant nong Heisen. “Ang aga niyo atang pumunta dito Helen?” tanong nong Heisen kay Helena. “Baka nahuli lang kayo Doctor Heisen,” tipid na sagot ni Helena na ngayon ay hawak-hawak na ang hologram tablet niya at may kung anong bagay nga itong itinatype dito. “Ilang katawan na ba na-inspect niyo?” tanong nga muli ni Heisen pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nga siya tinitignan nito at naka-focus lang sa pagtatype. “Tatlo,” sagot ni Helena dahilan para magtaka ako. Eh, ang pagkakatanda ko ay dalawa pa lang ang napuntahan naming bangkay? “Hindi ba dalawa pa lang?” singit na tanong ko dahilan para mabaling ang atensyon niya sa akin. “Pangatlong katawan na itong inaapakan natin Omicron,” sagot niya dahilan para unti-onti akong mapatingin sa ibaba ko at mapagtanto ngang may tinatapakan ako ngayong parang marka nalang ng isang bungo ng tao. “M—mukhang tatlo na nga.” Chi Kasalukuyang narito kami ngayon sa cafeteria ni Kuya Isko dahil kakatapos lang ng morning session. “Alam mo Chi, may kakaiba talaga ngayong araw,” saad ni kuya Isko bago pa man kami makaupo sa uupuan namin habang dala-dala ang makakain namin. “Huh? Ano namang kakaiba ngayon kuya Isko?” nagtatakang tanong ko at bago pa man nga niya ako sagutin ay humigop muna siya ng soup niya. “’Yong mga tao Chi. Hindi mo ba napansin na parang mas maaliwalas ngayon ang mga mukha at pag-uugali nila? Hindi tulad kahapon at noong unang araw natin dito na kahit sa cafeteria ay may mga nag-aaway at nag-babasagan ng bungo? Eh ngayon, parang nasa normal lang tayo na paaralan, tulad ng napapanuod nating cd sa baba,” paliwanag ni Kuya Isko dahilan para ilibot ko ang paningin ko sa buong cafeteria at mapansin nga ang sinasabi nito na tila ang aliwalas ng mga estudyante ngayon. “Oo nga no kuya Isko. Pero bakit kaya?” “Kasi Tuesday ngayon.” At laking gulat ko nga nang biglang umupo sa tabi ko si Samuel. “T—tuesday? Anong meron kung Tuesday?” sunod-sunod ko ngang tanong dito. “Director’s visit,” sagot naman ni Enrile na ngayon ay tumabi kay kuya Isko. Ano bang trip ng dalawang ito at naki-table pa talaga sa amin. Dahil din ba Tuesday? “Alam mo Chi ang galing mo kanina.” Sabay na sambit ni Enrile at Samuel na ngayon ay parehong nakangiti sa akin dahilan para tignan ako ni Kuya Isko ng isang mapang-asar na tingin na siyang agad ko namang nilakihan ng mata dahilan para magtigil siya. “Alam mo ikaw Samuel, gaya-gaya ka talaga kahit kailan,” saad ni Enrile na ngayon ay sobrang sama na ng tingin kay Samuel. “At ako pa talaga ang gaya-gaya? Eh, ako kaya ang naunang nakiupo rito? Hindi ba Chi?” sagot pa nga ni Samuel kay Enrile na talaga namang dinamay pa ako sa sagutan nila. “Teka nga, bumalik nga tayo sa tanong ko. A—anong Director’s visit? At ano namang kinalaman nito sa biglaang pagtahimik ng mga estudyanteng rito?” pambabaling ko nga sa usapan para naman matigil na ang sagutan nila na baka mamaya ay mahantong na naman sa bugbugan. “Bibisita ngayon ang Director at mamayang gabi nga ay may paparty na mangyayari. And every Tuesday nga itong nangyayari rito sa Mendeleev,” paliwanag ni Enrile na halatalang excited na excited pa ngayon sa party na mangyayari nga raw ngayong gabi. “Eh, ano namang kinalaman non sa katahimikan ng mga estudyante?” sunod na tanong ko. “Oo nga, mga totoy. At mukhang wala nga atang nagpatayan sa ibang blocks ngayon ha,” patuloy pa nga ni Kuya Isko sa sinabi ko. “M—mga totoy? Did you just called me totoy?” gulat na tanong ngayon ni Enrile na itinuro pa ang sarili niya at sobrang sama na nga ngayon ng tingin kay Kuya Isko. “Masanay ka na nga Enrile. Eh, talaga namang totoy ka pa,” saad nga ni Samuel dahilan para ambangan siya ng suntok ngunit bago ko pa man siya pigilan ay tila siya pa mismo ang tumigil sa sarili niya which is weird. “Oh totoy, bakit mo pinigilan sarili mong suntukin siya?” sambit nga ni Kuya Isko na mukhang napansin din ang ginawa nitong aksyon. “Dahil nga sa tuwing may Director’s Visit ay gusto ng Director na tahimik lahat at maaliwalas ang paaralan. ‘Yong tipong normal school lang.” At sa wakas nga at naipaliwanag din ni Samuel ng malinaw ang lahat. “Napaka-ironic naman. Eh ‘diba siya nga nag-utos ng rule na siyang nagiging dahilan ng pagpapatayan ng mga estudyante?” saad ko nga pero nagulat ako nang bigla akong tignan ni Enrile at Samuel na tila ba nagulat sila sa sinabi ko. “Huwag na huwag kang magsasalita ng ganiyan dahil naririnig ka nila,” pabulong na saad sa akin ni Samuel na napatingin nga sa taas kung saan ay kakikitaan mo rito ang isang camera. “Lahat ng actions natin ay recorded nila kaya huwag na huwag kang magsasalita ng kahit anong laban sa kanila Chi,” pabulong nga ring saad ni Enrile na siyang tinanguan ni Samuel. At dahilan nga ang mga pinagsasasabi nila para tuluyan akong magtaka ngayon. “Change topic na nga,” patuloy ni Enrile sabay subo ng burger niya. “Ah, right. Sasha, can you be my date tonight?” biglaang tanong ni Samuel dahilan para saglitan na maalis ang kunot ng noo ko mula sa pagtataka sa mga sinabi nila kanina. “Hoy Samuel, mang-aagaw ka talaga ng ideya ano? I am going to ask her pa lang sana,” asar ngang saad ni Enrile na dahilan para mapabuntong hininga ako. “T—talaga ba? Paano mo naman nasabing nauna ka?” sumbat ni Samuel na siyang dahilan para mapasinghap ako dahil sa nag-uumpisa na naman sila. “Ako. Ako ang nagsabing ako ang nauna,” sagot nga ni Enrile. “Teka nga lang,” tigil ko sa kanila. “Ganito nalang para naman hindi na kayo magkagulo at mag-away—“ “Kung sino mang makapagbibigay sa akin ng copy ng Avisos Importantes de Mendeleev ay ang siya kong idi-date.” “Oh, I have!” Bulalas nga ni Samuel na mabilisang inilabas ang holographic phone niya at doon nga lumabas ang pdf ng Avisos Importantes de Mendeleev. “Oh, I guess Samuel will be my date,” saad ko nga at ipinapasa na nga mula sa kaniya ang copy nito. “Lintek na ‘yan, aanhin mo ba ‘yang boring na rules na ‘yan?” tanong nga ngayon ni Enrile na dismayado ngang nanalo si Samuel. “I just want to be cautious sa mga actions na gagawin ko sa loob ng paaralan.” “At talagang idi-date mo itong totoy na ito Chi?” singit naman ngang tanong ngayon ni Kuya Isko dahilan upang matigilan ako sa pag-scroll sa holographic phone ko at ibaling nga ang tingin ko kay Samuel. “I—I guess so.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD