Part I: Kabanata 12

1760 Words
January 3, 2022 Sa isa ngang lugar sa Pangasinan lahat inilipat ang mga nanatiling buhay sa kabila ng trahedyang nangyari sa buong Pilipinas at buong mundo. Ang lugar ngang ito ay himalang hindi sumasabog at medyo malaki-laki rin nga ang lupang sinasakupan nito. At hindi nga nahirapan pa ang gobyerno na ilikas ang mga buhay dahil wala pa nga sa tatlong libo ang natirang ligtas mula sa mga sunod-sunod na pagsabog. “Ngayon ay dito na kayo maninirahan lahat hanggang sa hindi pa nadidiskubre ng mga syentipiko natin ang dahilan ng mga sunod-sunod na pagsabog,” saad ng presidente na ngayon ngay nagsasalita sa mic kung saan ngay konektado ngayon sa mga speaker na nakapalibot sa buong buong lugar. “Mukhang hindi ordinaryo ang lupang ito kaya hindi ito sumasabog,” saad ni Greg na ngayon ngay kumuha pa ng sample ng lupang kinatatayuan nila ngayon at unti-onti nga niyang ipinahid ito sa kabila niyang kamay. “Paano po kaya ang mga makakain natin ngayon Uncle Greg?” nagtataka ngang tanong ni Omicron dahilan para mabaling sa kaniya ang atensyon ni Greg. At hindi pa nga niya nasasagot ang katanungan ng bata ay natigalan ito nang sunod-sunod na nagsigawan ang mga tao sa paligid nila dahilan para agad ngang hawakan ni Greg ang dalawang bata at ilapit nga niya ang mga ito sa kaniya nang maiiwas sila sa mga nagkakagulong tao sa paligid. “Paano na kami kakain niyan?!” “Ano ‘to papatayin niyo kami sa gutom?!” “Dapat bigyan niyo kami ng sapat na pagkain habang inaantay namin ang mga pangako niyo?!” Sunod-sunod ngang sigawan ng mga tao at ang iba ngay sumasang-ayon na at nagsisisigaw na ng mga daing nila dahilan para mapatakip nga ng tuluyan ang dalawang bata ng kanilang mga tenga na ngayon ngay nakayakap na sila pareho sa Uncle Greg nila dahil sa takot. “Huminahon kayong lahat. Hindi namin kayo gugutumin kaya’t huwag kayong mag-alala,” saad nga ng presidente pero ayaw pa rin nga paawat ng mga tao at hanggang ngayon ay panay pa rin nga ang reklamo nila. “Eh, nasaan na ang pagkain?” “Halos dalawang araw na kaming hindi kumakain!” “Mamamatay na kami dahil sa gutom nito!” “May mga nakahanda ng mga pagkain upang ipamahagi sa inyo kaya’t huwag na kayong mag-alala. Ngunit bago niyo nga makuha ang tulong ng gobyerno ay magkakaroon muna ng sandaling panahon upang tanungin kayo ng mga police patungkol sa inyong mga katauhan ng maiayos natin ang lahat-lahat,” paliwanag ng presidente dahilan nga para unti-unting matauhan ang lahat-lahat dahil na rin sa may lumabas na ngang mga pulis mula sa kaisa-isang building na nakatayo ngayon sa lugar na kinatatayuan ng lahat. At may mga pinwesto nga rin silang mga mesa sa harapan at pinaglinya na nga ang mga tao. “May mga device ang ating mga kapulisan na siyang magkukumpirma kung tama nga ba ang mga sasabihin niyong impormasyon sa kanila kaya’t ipinapayo kong dapat tama lang ang mga isasagot niyo sa mga katanungan nila,” huling saad ng presidente bago pa man niya tuluyang bitawan na nga ang hawak na mikropuno. “Pangalan?” diretsahang tanong ng pulis kay Omicron. Dahil nga siya na nga ngayon ang tinatanong at nasa likod nga nito si Chi at si Greg. “O—omicron Salazar po,” sagot ng bata at tumango nga ang pulis nang nakumpirma nga niyang ito ang tunay niyang pangalan. Ngunit saglit nga itong natigilan nang ibinulong ang kapwa niya pulis na nasa likuran niya ngayon. At makalipas ang ilang minuto ay napatango na nga ito at ibinaling muli ang atensyon sa bata. “Sa ibaba,” saad ng pulis dahilan para mapakunot ang noo ni Omicron dahil nga hindi niya naintindihan ang ibig sabihin ng pulis. “P—po?” naguguluhan ngang tanong ni Omicron. “Doon ka sa kanan,” saad ng pulis sabay turo nga sa mga kumpulan ng tao sa kanan. At pagkatingin naman nga ni Omicron sa kaliwa ay kakaonti lang ang mga tao rito. “Ano pong pinagkaiba ng kanan at kaliwa? Pwede ko ba malaman kung bakit niyo pinaghihiwalay ang mga tao?” sunod-sunod ngang tanong ngayon ni Greg na ngayon ay nakatingin ng diretso sa pulis ngunit walang kaemo-emosyon nga lang itong tinignan ng pulis. “’Yon ang utos ng nasa taas at sumusunod lang kami. Kaya ikaw bata, pumunta ka na sa kanan dahil nakakaabala ka na oh. Andami pang nakapila sa likod mo,” utos nga ng pulis at tinanguan nga ni Greg ang bata na tanda nga na dapat niya nalang sundin ang utos ng pulis. “Pangalan?” walang-ganang tanong ng lalaki. “Chi Sasha Salazar po,” sagot ni Chi. “Magkapatid pala kayo eh. Doon ka rin sa kanan bata,” utos nga ng pulis at agad nga naman sumunod si Chi sa kaniyang kuya at tinabihan nga ito agad habang magkahawak ngayon ang kanilang mga kamay nang maiwasan ngang magkahiwalay. “Pangalan?” tanong ngayon ng pulis kay Greg. “Gregor Dela Cruz,” sagot ni Greg at sabay ngang tinignan ang dalawang batang nasa kanang bahagi ngayon ng nahating populasyon ng mga tao. “T—teka,” saad ng pulis na ngayon ay tila hindi makapaniwala sa kaniyang nakita sa screen kung saan nga nila kinukumpirma ang identity ng mga tao ngayon. At dahilan nga ito upang mapakunot ng noo at magtaka si Greg dahil sa naging reaksyon ng pulis na ngayon ay binulungan nga ang kaniyang kasamahan na agad ngang patakbong pumasok sa loob ng building. “May problema ho ba?” nagtatakang tanong ngayon ni Greg. “Mabuti pa’t antayin nalang natin ang mga susundo sa’yo Doctor Gregor Dela Cruz,” sagot ng pulis na dahilan para matigilan ngayon si Greg. “A—anong ibig mo sabihin?” “Ang ibig niya sabihin ay kailangan mo ng sumama sa amin Doctor Gregor Dela Cruz,” saad ng isang lalaking nakauniporme ng pangmilitar na may mga kasama pang ibang sundalo na ngayon ngay mabilisang hinawakan si Greg sa magkabilaang kamay nito. “G—general Garcia?” tawag ni Greg sa lalaki na siya ngang agaran niyang namukhaan. “Teka po, saan niyo po dadalhin si Uncle Greg?” bulalas ni Omicron na kapareha ni Chi ay agaran ngang pumunta kay Greg ay niyakap ito dahilan para hindi nga siya agad mahila ng mga sundalo. “Anong gagawin niyo sa akin ha?!” Pagpupumiglas ni Greg na pilit ngang kumakawala sa pagkakahawak ng mga sundalo sa kaniya. “Sige na, kunin niyo na ‘yan at ipasok sa loob dahil matagal-tagal din siyang inantay ng ating presidente,” utos ng General at wala na nga siyang nagawa nang pwersahan ngang itulak ng mga sundalo ang dalawang bata palayo sa kaniya at agaran nga siyang ipasok sa loob ng building. September 3, 2029 Omicron “B—bakit walang patay?” nagtataka ngang tanong ko nang makita kong para bang ang aliwalas ng kwartong ito at nang makita ko ngang narito sila Chi at Isko ay hindi ko na napigilang mapangiti nang malaman na mukhang ligtas sila at wala ngang nangyaring masama sa kanila. “D—doctor Greg? Ano pong ginagawa niyo rito?” nagtatakang tanong ni Helena na dahilan para mapukaw ang atensyon ko dahil na rin nga sa pamilyar ang pangalang binanggit nito. “Narito ako para turuan ang Block C dahil I am now their new adviser,” sagot ng matandang lalaking nasa harap na ngayon ngay ibinaling ang tingin sa amin ni Helena dahilan para tuluyang manlaki ang mga mata ko nang unti-unti ko siyang mamukhaan at makilala. “U—uncle Greg?” tawag ko sa kaniya dahilan para tuluyang mabaling ang atensyon niya sa akin. “Oh, Omicron, this is getting interesting ha,” saad nito na ngayon ngay nakangiti na sa akin at ibinaling ang tingin kay Chi. At dahilan nga ito para bumalik lahat-lahat ng ala-ala ko nang araw na iniligtas niya ako at noong araw din nga na nagkainterest ako sa syensya dahil sa kaniya. “Magkakilala kayo Doctor Greg?” nagtatakang tanong ngayon ni Helena at tumango nga si Uncle Greg bilang sagot dahilan para tignan ako nito at taasan ako ng kilay na tila hindi nga makapaniwala na magkakilala kami ni Uncle Greg. “Pero Doctor Greg, ano pong ibig niyo sabihin na kayo na po ang adviser ng block na ito? Nasaan na po si Doktor Richard?” pambabaling nga ni Helena sa usapan. “Mukhang antagal mo nga talagang nawala Doctor Helen. Wala bang nabanggit sa’yo si Heisen patungkol dito?” sagot nga sa kaniya ni Uncle Greg dahilan upang kunot noo itong umiling. “Doc Helen, simula po nong umalis kayo rito sa Mendeleev para bumaba ay inatake po sa puso si Doktor Richard at wala ngang doktor ang makitang pwedeng pumalit rito kaya’t matagal ngang nabakante ang klase namin,” paliwanag ni Samuel na mukhang dito nga sa block na ito siya at kaklase nila Chi at Isko. “Pero nagulat nga kami nang biglang nagpresinta si Doktor Greg para maging substitute ni Doktor Richard,” patuloy naman ng isang lalaki sa paliwanag ni Samuel. “Ah, kaya pala parang ibang-iba kayo ngayon at wala ata akong patay na nadatnan ngayon sa block c,” saad ni Helena at tumango nga ang buong klase bilang pagsang-ayon. “Eh, sino ba naman po ang hindi titino kung isang pinakamagaling na Doktor sa buong Pilipinas at head ng lahat ng Doctors ang magtuturo sa inyo?” sagot ng isa dahilan upang matigilan ako at ibaling ang tingin ko kay Uncle Greg. Pinakamagaling na Doktor sa buong Pilipinas? At Head ng mga Doctors? So, ito pala talaga ang narating niya simula nang magkahiwa-hiwalay kaming tatlo. Akala ko pa naman ay pinahirapan na siya noong araw na ‘yon at in-assume pa nga namin ni Chi na patay na siya pero mukhang malayo pala ang narating niya at sa pitong taon ngang ‘yon ay mukhang naging kampante at payapa ang buhay niya. Ano pa bang aasahan ko eh nasa taas siya mismo? Pero ang hindi ko maintindihan ngayon ay kung bakit hindi man lang niya kami tinulungan ni Chi noong nasa baba pa kami? Alam kong para akong nagiging parang desperado ako sa mga itinatanong ko pero hindi talaga maiwasang itanong ang mga ito lalo pa’t kahit na saglitang lang namin siyang nakasama ni Chi ay itinuring na namin siyang tatay. But I guess, hindi anak ang naging turing niya sa amin. “Oh sige, Doctor Greg mauna na po kami ni Omicron at maraming blocks pa po ang aming aasikasuhin. At sana nga, sana nga maging permanente na ang katinuan ng block na ito,” rinig ko ngang bulong ni Helena kay Uncle Greg na siyang ngumiti at tumango bilang sagot. At nang tumalikod at naglakad na nga palabas si Helena ay agaran ko rin naman ngang sinundan ito “T—teka Omicron.” Ngunit agad akong natigilan nang tawagin nga ako ni Uncle Greg. And I don’t know kung haharapin ko ba siya ngayon pero nang makita ko nga si Chi sa gilid ko na tumango ay napahinga na lamang nga ako ng malalim at unti-unti siyang hinarap. “Omicron, kung maaari sana ay puntahan niyo ako ni Chi sa aking opisina pagkatapos ng inyong klase?” tanong nito dahilan para matigilan ako at mapatingin muna kay Chi na ngayon ay tinanguan muli ako kaya’t wala na nga akong nagawa kundi pumayag kahit pa na hindi pa ako handa para harapin muli siya. “S—sige po.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD