January 3, 2022
~3:00 am~
Madaling araw palang ay nagising na halos lahat ng mga tao dahil sa tunog ng mga paparating na mga helicopter na inasahan nga ng lahat na may laman itong mga pagkain tulad ng ipinangako ng gobyerno.
“Ayan na ang pagkain!”
“Sa wakas at makakain na rin tayo!”
Sunod-sunod na bulalas ng mga tao nang makita nga ang mga paparating na helicopter.
“Kuya, nasaan na po kaya si Uncle Greg? Papakainin din po kaya siya?” sunond-sunod ngang tanong ngayon ni Chi sa kaniyang kapatid habang yakap-yakap nga ito dahil sa lamig ng paligid.
“Hindi ko rin alam Chi eh,” sagot ni Omicron na ngayon pa ngay napatingin na sa gusali kung saan naroon ngayon ang Uncle Greg nila at ang mga tao ngang nasa kaliwa kanina ay pinapasok din doon.
“Bakit kaya walang nagrereklamo ngayon kung bakit pinapasok lahat ng mga nasa kaliwa at tayo ay nandito pa rin sa labas at halos lamig na lamig na at gutom na gutom?” nagtatakang tanong ngayon ni Omicron na siyang titig na titig pa rin sa gusali.
“Dahil iho, lahat ng mga nagrereklamo ay nasa loob na ng gusaling ‘yan,” sagot ng matandang katabi ngayon ng dalawang bata na nauubo-ubo pa nga ngayon nang dahil na rin siguro sa lamig ng paligid.
Sa loob ng gusali…
~5 hours ago~
Ang gusali ngang ito ay isang lumang hotel na gigibain na nga sana para irenovate kung hindi nga lang nangyari ang trahedya. At magpahanggang ngayon ngay hindi pa rin maipaliwanag kung bakit hindi sumasabog ang lugar na ito at ang paligid nito na siya ngang kinalalagyan ng mga nasa kanan na kasalukuyang nasa labas ngayon ng gusali.
Narito ngayon sa loob ng gusali ang mga taong nasa kaliwa kanina o ang mga taong may kaya sa buhay at kilala. Tulad na nga lang ng pamilya ni Senator Mendoza na siyang nailigtas nga mula sa pagsabog.
Kasalukuyan ngang may kaniya-kaniyang kwarto ang bawat pamilyang kasama sa mataas na antas at dito ay binigyan na sila ng mga makakain hindi tulad sa mga nasa labas na halos tatlong araw na ngang hindi pa nakakakain at tila ngayon pa lang makakakain.
“Ano ba naman itong ibinigay nila at hindi pa medium rare ang pagkakaluto!” bulalas ni Mrs. Geneva Mendoza na ngayon ngay ibinalibag pa ang kaniyang plato dahilan para magulat ang tatlo niyang mga anak na lalaki.
“Hayaan mo hon, itatawag ko ‘yan sa itaas,” saad naman ng kaniyang asawa na ngayon ngay katawag na ang mga naka-assign sa pagluluto ng kanilang mga pagkain.
“Ilang days din tayong hindi kumain tapos ito ang ibibigay nila sa atin? Sabihin mo ngang senator ka hon nang matauhan ang mga inutil na ‘yan,” patuloy pang bulalas ni Mrs. Mendoza at tumango nga ang kaniyang asawa bilang sagot.
“Mom, magrereklamo pa po ba tayo sa kabila ng ganitong sitwasyon? Eh ‘yong mga nasa labas nga hanggang ngayon ay hindi pa nakakakain,” saad ngayon ni Ismael na siya nilang panganay na anak na nasa edad bente na ngayon. Dahilan upang kunutan siya ng noo ng kaniyang ina dahil sa gulat na tila ba pakiramdam niya’y pinapangaralan nga siya ng kaniyang sariling anak.
“Sinasagot mo ba ako Ismael?” gulat ngang tanong ni Geneva sa kaniyang anak na siyang nilakihan pa nga niya ng mata ngayon.
“Ang punto ko lang naman po mom ay kung bakit ganiyan pa rin ang iniisip niyo kahit ganito na ang sitwasyon? Imbes na isipin niyo ang kabutihan ng nakakarami ay kasakiman niyo pa rin ang iniisip niyo,” sagot nga muli ni Ismael dahilan para tuluyan nang mapatayo ang kaniyang ina.
“Ismael, sinasabi mo bang kasalanan pa naming mahirap ang mga taong ‘yon at hindi sila pinapasok dito sa loob?” sarkastiko ngang tanong ni Geneva na dahilan nga para ibaba na ng senator ang tawag nang mapansing tila nagkakainitan na ng ulo ang kaniyang mag-ina.
“Hoy, tama na ‘yan Ismael! Mabibigyan naman ng pagkain ang mga palamunin na ‘yan eh,” pigil nga ng senador kay Ismael dahilan para mas mainis lalo si Ismael dahil sa sinabi ng kaniyang ama.
“P—palamunin? Dad, tinatawag mong palamunin ang mga taong ‘yan? Eh, hindi ba ang sinumpaan mong tungkulin ay ang pagsilbihan sila? Ang sinumpaan niyong tungkulin ay ang pagsilbihan sila! Pero kahit na ganito na ang sitwasyon ay kademonyohan niyo pa ring mga nakaupo sa pwesto ang pinapairal niyo!” sunod-sunod na bulalas ni Ismael dahil na rin nga sa inis at galit nito dahilan para halos maglakihan ngayon ang mga mata ng mag-asawa dahil sa gulat.
“Hoy Ismael bumalik ka ritong bata ka!” pigil pa nga ng Senator sa kaniyang anak ngunit huli na nga nang tuluyan na itong nakalabas ng kanilang kwarto.
“Lintek na batang ‘yon. Ganito na nga ang sitwasyon pero kaartehan pa rin niya ang pinapairal niya!” bulalas nga ni Geneva na tuluyan nang napaupo at napahawak sa kaniyang ulo.
“Kaya kayong dalawa, huwag niyong gagayahin ang kuya niyong ‘yon ha,” baling nga ni Geneva sa dalawang kambal niyang anak.
“Maliwanag ba Samuel at Enrile?” tawag nga muli niya na diretsahang tinignan ang mga bata dahilan para mapatango silang dalawa ng wala sa oras.
“Sige na hon, mauna na ako dahil may meeting pa kami sa itaas. Dahil mukhang nahanap na nila ang Doktor na ipinapahanap ng presidente,” paalam nga ni Senator Mendoza na tuluyan na nga ring lumabas sa kanilang kwarto matapos makapag-paalam.
September 3, 2029
“Marami pa bang blocks? Alam mo sa ginagawa nating ito ay babangungutin talaga ako nito mamayang gabi,” reklamo ni Omicron na ngayon ngay kakatapos lang masuka dahil sa huli nilang pinasukan na kwarto kung saan ngay hindi lang isa o dalawa o tatlo ang patay kundi limang tao na halos wasak-wasak na ang katawan at kalat-kalat na nga ang mga organs.
“Huwag kang mag-alala dahil pang-huli na ‘yon,” sagot ni Helena dahilan para mapaupo na nga ng tuluyan sa sahig si Omicron at tila hilong-hilo nga ngayon dahil sa kakasuka at sa hindi nga mabilis na maalis sa isipan niya ang bawat patay na katawan na sunod-sunod niyang nakita ngayong araw.
“Bakit ba nila ginagawa ito ha? At bakit parang normal na talaga sa’yo ito? Eh, hindi na ito makatao ha,” sunod-sunod ngang saad ni Omicron dahilan para tabihan na nga rin siya ni Helena sa sahig at tiyaka nga ito tumingin ngayon sa pader na katapat nila.
“Dahil sa pang-apat na order sa Mendeleev,” saad ni Helena dahilan para mapatingin nga sa kaniya si Omicron dala ang nagtatakang ekspresyon sa mukha niya.
“O—order? Kasama rin sa by laws niyo ang pumatay?” nagtatakang tanong nito.
“The death of the lowest block,” sagot ni Helena at tiyaka nga tinignan si Omicron.
Avisos Importantes de Mendeleev #04
La muerte del bloque más bajo
“Every month dito sa Mendeleev ay nagkakaroon ng evaluation kung saan isinasabak ang mga estudyante sa mga challenges na mas higit pa ang hirap sa mga pinagawa ko sa inyo sa baba noon,” patuloy ni Helena.
“Eh, ano namang koneksyon non sa pagpatay nila?” sunod ngang tanong ni Omicron dahilan upang mapabuntong ng hininga si Helena.
“Ang laro ay by blocks, at kahit isang myembro niyo lang ang magkamali ay lahat kayo patay. Kaya ang iba ay pinapatay nalang ang mga weak members nila para pagdating ng evaluation ay hindi sila mapapahamak. Dahil kung sila ang pinakamababa ng score sa evaluation ay mamamatay ang buong blocks. Ngunit ang twist ay hindi instant kill. Kundi papahirapan at gugutumin sila ng isang buwan hanggang sa mangagpatayan na sila,” sagot nito dahilan para matulala si Omicron at hindi makapaniwala sa kaniyang mga narinig.