~Mikrodunia (Danymede)~ Helena “H—heisen?” “Helen nasa panganib ngayon ang buhay ni Omicron at maaaring ngayon ngay alam na niya mismo na hindi tunay na Chi ang kasama niya,” sagot nga ni Heisen na siyang mas ikinagulat ko ng sobra. “T—teka, p—papaano naman ako nakakasiguro na hindi kayo ilusyon at hindi niyo ako pinaglololoko ha?” tanong ko nga sa kanilang dalawa habang pareho silang iniiwasan dahil baka mamaya ay gawa-gawa lamang ito ng isip ko at isa lamang silang mga ilusyon. “Helen, if you are thinking that we are only an illusion, then, you are totally wrong,” tugon nga ni Heisen pero napansin ko ngang tila ba parehas kami ngayon ng reaksyon ni Chi na tila ba gulat na gulat din nga sa mga pinagsasasabi ni Heisen. “Kung ang kasama ngayon ni kuya ay isa lamang ilusyon ay ibig sa

