Mendeleev “Nagawa ko na lahat ng gusto mong ipagawa Zild at mukhang tama ka ngang alam na lahat ni Heisen. Pero huwag kang mag-alala dahil naipadala ko na rin siya sa Danymede at sigurado akong hinding-hindi na sila makakaligtas na apat doon,” rinig nga ni Zild nang i-open niya agad ang ipinadalang voicemail sa kaniya mula sa misteryosong tao na galing sa Mikrodunia. “Mukhang umaayon talaga sa atin ang tadhana papa,” saad ni Zild habang hawak ang isang kahon na nakatakip sa isang itim na tela. At nang inalis nga niya ang telang nakatakip sa box ay kita na nga ang laman ng kahon na ulo ng isang patay na lalaki. “Matutupad ko na ang pangako ko sa iyo papa na maipaghiganti ka sa mga apo ng taong pumatay sa iyo at maging na rin sa mga anak ng mga taong umapi at nagmaliit sa pamilya natin,

