September 12, 2029 ~Danymede~ “Ang tapang mo ha,” saad ng lalaki na ngayon ngay hawak-hawak na ang batang Omicron sa kaniyang kwelyo. “Kuya, umalis na tayo rito,” bulong nga ni Chi na ngayon ay mangiyak-ngiyak ng nagtatago sa likod ng kaniyang kuya Omicron. “Ikaw ang matapang Gerald, wala naman kaming ginagawang masama ng kapatid ko pero bakit mo ba kami ginugulo ha?” pakli nga ni Omicron na pwersahang inalis ang kamay ni Gerald mula sa kaniyang kwelyo. “Kasi masyado kayong pabida!” At dahil nga sa galit ni Gerald ay tinulak nga niya si Omicron ng pagkalakas-lakas na siyang dahilan para matumba si Omicron at maging si Chi na nasa likod nga niya. “Kunin niyo ‘yong kapatid niya!” utos ni Gerald sa iba pa ngang mga batang kasama niya ngayon na tumambang sa dalawang magkapatid na Rivera

