“Ayos ka lang ba?!” nag-aalalang tanong ng lalaki na ngayon ngay kakalabas lang ng kaniyang sasakyang panghimpapawid. Agaran ngang tumalon ang lalaki palabas ng sasakyan at tumakbo palapit kay Helena na kakabagsak lang ngayon sa lupa. “A—ayos lang ako,” sagot nga ni Helena habang hawak-hawak ang kaniyang braso na namimilipit na nga ngayon sa sakit at halos mamula nga dahil sa pagbuhat niya kay Omicron habang sabit sila ng sasakyang panghimpapawid. “Wala ka man lang bang nararamdamang sakit?” tanong muli ng lalaki na ngayon ngay nakatingin ng diretso sa braso ni Helena. “Siya ang dapat ta—“ At hindi na nga naituloy pa ni Helena ang nais niyang sabihin nang biglang mas namilipit pa sa sakit ang braso niya na tila baga may humihila nga rito at binibinat ang bawat ugat, laman, at kalamnan

