“Omicron, anak, huwag na huwag mong pababayaan si Chi ha.” “Ma, saan ka po pupunta?” “Kailangan kong tulungan anak ang lalaking naipit sa sasakyan.” “Pero ma delikado po at baka masabugan ka lang po katulad ni papa”” “Omicron, anong lagi kong sinasabi sa inyo ni Chi?” “K—kung kayang tumulong ay dapat kang tumulong.” “At yaon ang aking gagawin anak.” “Pero ma—paano—naman kami ni Chi?” “Anak, hindi ako mamamatay. Babalikan ko kayo ni Chi.” “Ma!” Nang imulat ni Omicron ang kaniyang mga mata ay bumungad sa kaniya ang kulay asul-marino na kalangitan na punong-puno ng mga bituin na halos mas marami kaysa sa karaniwan. Nakahiga siya ngayon sa isang kulay dilaw na pinong buhangin at nang dahan-dahan nga siyang bumangon sa pagkakahiga ay saglit na napukaw ang atensyon niya sa dagat na ku

