“Omicron, ilag!” bulalas ni Helena nang makitang tila ba may lumabas na asul na likido mula sa bunganga ng hindi pangkaraniwang organismo na nasa harap nila ngayon Unti-unting lumalapit ang halimaw sa kinaroonan nila ngayon. Noong una ngay nag-alangan pa ngang umilag si Omicron na siya ngang pwersahang pinailag ng katabi niyang si Chi. Kalaunan ay tila nahimasmasan nga ito nang makitang may isang kulay asul na likidong pabilog ang kamuntikan nang tumama sa kaniyang ulo. “A—anong klaseng hayop ‘yan?” nanginginig ngang tanong ni Omicron na katulad ng apat ay nakailag ngayon at umiiwas sa mga ibinubugang likido ng hindi pangkaraniwang organismo. “H—hindi ko rin alam Kuya Omicron,” nauutal nga ngayong sagot ni Chi. “Ang liquid substance na ibinubuga niya ay kapareha nong blue liquid su

