Part I: Kabanata 25

2238 Words
September 10, 2029 Omicron “All the students of Mendeleev Academia please proceed to the hall now to meet your partners” “All the students of Mendeleev Academia please proceed to the hall now to meet your partners” “All the students of Mendeleev Academia please proceed to the hall now to meet your partners” “Kuya Omicron, totoo bang ikaw ang partner ko?” bungad nga sa akin ni Samuel nang pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa hall. “Alam mo Samuel, huwag ka ngang feeling close dahil hinding-hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo nong first day ha,” sagot ko sa kaniya dahilan para mapaiwas siya ng tingin at mapakamot ng ulo niya na tila ba nataranta pa nga dahilan para tumawa ako ng tuluyan dahil nagbibiro lang naman talaga ako at hindi naman ganoon kalalim ang galit ko sa kaniya para tumagal ng sobrang tagal. “Nagjojoke lang ako Samuel,” saad ko nga at tiyaka siya inakbayan dahilan upang mapakunot siya ng noo sa sudden change ng mood ko. “Nga pala, nakita mo ba ang kapatid ko ha? At tiyaka si Isko?” sunod-sunod kong tanong dahil ang alam ko ay kablock niya ang dalawa. “Hindi ko napansin si Kuya Isko eh. Pero si Sasha nakita ko lang kanina doon sa kumpulan ng mga block c. Sayang nga eh at hindi siya ang kapartner ko,” sagot nito dahilan para tumingin ako sa kaniya at tignan siya ng masama. “Bakit Samuel? Ayaw mo ba akong kapartner ha?” sunod-sunod ko ngang tanong dito dahilan upang mapailing siya agad. “Ah, hindi kuya. Syempre, gustong-gusto ko kasi hindi ba engineer ka so suwak na suwak talaga ang misyon na ito sa abilities mo,” daliang sagot niya dahilan para tumango ako. Pero sa totoo niyan ang gusto ko sanang itanong sa kaniya ay kung may gusto siya kay Chi pero baka mas mataranta lang ito lalo kung itanong ko ‘yon. “Bakit ikaw, ano bang major mo?” “Lahat naman ay major namin dito eh. Pero ang pinakamajor ko kumbaga ay physics and chemistry kuya,” sagot niya sa akin na tuwang-tuwa pa nga habang sinasagot ako. Pero saglit nga kaming natigilan sa pag-uusap nang biglang nagbulungan ang mga estudyante sa hall sa pagpasok nila Heisen. “At ano namang pinagbubulungan ng mga ito?” nagtatakang tanong ko nga. “Inaabangan ng lahat kung sino ba ang maswerteng kapartner ng dalawa nating president. Kasi ang dalawang ‘yan, parang hari at reyna sila ng Mendeleev Academia. At kung makapartner mo sila sa isang mission ay para sa iba achievement na ‘yon at kaswertihan dahil sure ball na hindi kayo maeeliminate dahil sa katalinuhan nila,” paliwanag ni Samuel dahilan upang unti-unti ngang masagot ang katanungan ko kung bakit pati si Helena ay tinatawag din nilang president. ‘Yon pala ay dalawa nga talaga ang presidente namin which is very unusual. At ngayon ngay tila ba parang nahati ang kumpulan ng mga estudyante upang bigyang daan ang dalawang presidente ng Mendeleev Academia. “Sino kayang maswerteng estudyante ang partner ni Heisen at Helena?” “Siguradong pasok na sila sa next round niyan.” “Napakaswerte naman talaga nila oh.” Bulungan nga ng lahat. At ngayon ngay naglalakad na ang dalawa sa gitna naming lahat na tila ba ay hinahanap na nga ang mga makakapartner nila. At ngayon ngay tumigil si Helena sa tapat ng isang lalaking estudyante na sa hula ko ay mga kaedaran nila Samuel at Chi ito. “Ang swerte naman ni Waldo.” “Kapartner niya si Miss President? Grabe napaka-swerte naman niya.” “Waldo Javier?” tanong nga ni Helena sa lalaki at tumango nga ng ilang beses ang lalaki na halatang-halata ngang sukdulan na ang kasiyahan niya ngayon dahil sa taas ng ngiti niya. “Swerte? Baka malas niya, grabe kaya makagrupo ‘yan si Miss President,” saad nga ng katabi naming lalaki at napatango rin naman ako bilang pagsang-ayon. Baka mamaya ay pakainin ka pa niyan ng daga oy! “Si Kuya Heisen kaya? Sino kayang kapartner niya? Kanina pa siya naghahanap ha,” sambit ni Samuel dahilan para mabaling nga ang atensyon ko roon kay Heisen na ngayon ngay tumitingin pa rin sa paligid niya para hanapin ang partner niya. Pero nabaling nga ang atensyon ko sa likod ko nang biglang may kumurot sa likod ko. “Hoy sinong—“ “C—chi? Anong ginagawa mo rito at bakit nangungurot ka ha?” sunod-sunod ko ngang tanong nang makitang si Chi nga ang nangurot sa akin pero agad nga akong hinila nito at dirediretso ipinunta sa lugar na medyo malayo sa mga kumpulan ng tao. “Ano bang trip mo Chi at parang may tinataguan ka ha? At tiyaka, masakit ‘yong kurot mo ha,” reklamo ko nga rito pero napansin ko ngang tila hindi ito mapakali ngayon at mukhang problematic nga kumbaga. “Hoy Chi, may problema ka ba? May nanakit ba sa’yo?” sunod-sunod ko ngang tanong at hinawakan nga ang magkabilaan niyang braso para tigilan siya sa kakagalaw. “Kuya—“ panimula nga niya. “Ano?” “Ayaw ko ‘yong kapartner ko kuya Omicron! At mas pipiliin ko nalang na bumalik sa baba kaysa makapartner ko ang hinayupak na ‘yon dito sa misyon na ito!” sunod-sunod ngang bulalas niya at dahil nga rito ay unti-onti akong napangiti dahil tila ba ang kaharap kong Chi ngayon ay ang dating Chi na kilala ko. “Oh, bakit ka ngumingiti kuya? Namomroblema na nga ang tao eh,” saad nito. “Oh siya, sino ba kasing kapartner mo at parang sobrang init ng ulo mo at hindi ka mapakali?” tanong ko sa kaniya. Huminga nga muna ito ng malalim bago pa man ako tuluyang sagutin. “Si—“ “Chi, nandito ka lang pala.” At agad nga akong napatingin sa likod ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na ‘yon na tumawag sa pangalan ng kapatid ko. “K—kuya siya ang partner ko,” bulong nga sa akin ni Chi dahilan para magulat ako ng tuluyan. “S—si Heisen? Eh, hindi ba parang may alitan kayo ng lalaking ‘yan na hindi mo pa nga naibabanggit sa amin ng kuya Isko mo,” sunod-sunod ko ngang saad. “Students please proceed to your designated areas and I assume na nahanap niyo na nga ang mga kapartner niyo” “Chi, shall we?” tanong nga nong Heisen kay Chi at wala na ngang nagawa ang kapatid ko kundi maglakad na palapit dito. “Kuya Omicron, nandito ka lang pala. Tara na sa may office na inassign sa atin,” yaya nga ni Samuel na kakarating lang ngayon at pansin ko ngang natigilan ito sa pagtakbo papunta sa akin nang mapansin si Chi at Heisen na ngayon ay naglalakad na magkasama. “Hoy Samuel!” tawag ko nga rito at ako na nga ang lumapit dito. “Tapatin mo nga ako, may gusto ka ba sa kapatid ko ha?” pabulong na tanong ko rito at tinignan nga ako nito na tila gulat na gulat at panay tanggi sa paratang ko. “Naku kuya Omicron, hindi no. Sadyang nais ko lang talagang maging kaibigan siya pero mukhang mauulit na naman ang dati,” saad nito dahilan para taasan ko siya ng kilay. “T—teka, may alam ka ba sa past ng dalawang ‘yon ha Samuel?” tanong ko nga rito. “Kuya Omicron, wala kayong alam?” nagtatakang tanong nga nito dahilan upang mas matuon pa ang atensyon ko sa kaniya. “Bakit ikaw may alam ka ha?” baling ko ngang tanong dito at seryoso siyang tinignan. “Bakit kayo, wala kayong alam?” baling na tanong nito na mukhang ginagago na nga ata ako. “Hoy, ako ang nagtatanong sa’yo ha kaya huwag mo akong sasagutin ng isa pang tanong!” bulalas ko nga rito dahilan para magulat siya. “Wala siyang sasabihin sa’yo dahil hindi niya ‘yon kwento para siya ang magkwento.” At saad nga ni Helena na ewan ko ba kung saan nanggaling at bigla nalang sumingit sa usapan namin. “Bakit ba ayaw niyong sabihin sa akin ang nangyari sa kanila ha? Kapatid ko si Chi kaya may karapatan akong malaman kung anong nangyari sa kaniya,” sagot ko nga rito. “Pero Kuya Omicron, tama nga ‘yong sinabi ni ate Helen na hindi pwedeng kami ang magsabi nito sa’yo,” pangangatwiran nga ni totoy. “Tanungin mo nalang si Sasha at mas mainam kung siya mismo ang magsabi sa’yo nito.” _________________________ “Kuya, tungsten talaga ang gagamitin nating metal? At tiyaka, metals lang ba talaga ang gagamitin natin?” sunod-sunod ngang tanong ni Samuel nang iexplain ko sa kaniya ang plano ko. “Bakit, anong masama sa tungsten? Hindi ka ba inform na tungsten ang pinakamatibay na metal?” baling ko ngang tanong sa kaniya at napakamot nga ito ng ulo ngayon. “Alam ko naman po ‘yon kuya Omicron. That tungsten is the strongest metal and that it has the highest melting point among the other metals. Pero sure ka po bang, metals lang ang gagamitin natin at hindi po tayo gagamit ng concrete ganun. Just like a fallout shelter kuya Omicron,” saad nito dahilan para matigilan ako at mapaisip ng tuluyan sa ideyang sinabi niya. “O—oo nga no, bakit hindi ko naisip ‘yon?” “Pero papalitan natin ‘yong lead ng carbon and tungsten” patuloy ko nga habang abot langit ang ngiti ko at natutuwa nga ako nang mavisualize ko nang tuluyan ang magiging prototype ng base na gagawin namin. “Ano, tara na sa baba? Nang makahanap na tayo ng mga materials natin?” yaya ko nga rito at napakunot nga ito ng tuluyan nang sabihin ko ‘yon. “P—po? Eh, wala pa naman tayong gears na nagagawa ha? Kailangan kuya Omciron ay ‘yon muna ang gawin natin,” saad nga nito at umiling nga ako bilang sagot dito at ngayon ngay kinuha ko ang super smart na phone ko at inutusan nga si Uranus (a built-in, voice-controlled personal assistant). “Uranus, bring all the gears that I have in my bag,” utos ko nga rito. “Bringing all your gears in 3 minutes” “Teka, kuya Omicron ano ho ‘yan?” nagtatakang tanong ni Samuel nang maibaba ko na ang phone ko. “Si Uranus ay assistant ko at siya na mismo ang magdadala ng mga gears na nasa maleta ko rito. At sabi nga niya ay 3 minutes kaya mag-antay nalang tayo,” nakangiting sagot ko nga rito. Chi “Alam ko Chi na galit ka pa rin sa akin magpahanggang ngayon pero sana Chi kalimutan muna natin ang mga personal na bagay at magfocus muna tayo mission na ito,” panimula nga ni Heisen nang makarating na kami sa office na ibinigay sa amin. At hindi nga ako umimik para sagutin siya bagkus ay inopen ko na nga ang holographic computer na nakapangalan sa akin. “Please Chi, importante ang bagay na ito sa akin,” patuloy pa nga niya dahilan para mapabuntong hininga nga ako at tignan siya ng seryoso. “Sa tingin mo ba hindi importante sa akin ito?” saad ko nga dahilan upang matigilan siya. “I agree with you, itabi muna natin ang personal issues natin sa isa’t isa.” At dahil nga sa sinabi ko ay napatango na nga ito ng tuluyan na mukha ngang nabunutan ng tinik nang dahil sa pagsang-ayon ko. “So, can I now hear your plans Miss Rivera?” tanong nito and then unti-onti ko na naman nga naramdaman ang awkwardness sa pagitan naming dalawa. “A—ang plano ko ay kunin ang idea behind the fallout shelter sa ipapalit nating base for the tunnel. At sa tunnel nga rin na ‘yon ay balak kong sa loob niya ay dapat maging functional room ito wherein pwede siyang maging maintenance room na kung saan pwedeng icheck kung matibay pa ba or kung anong state ng buong tunnel. And I volunteer to program that part,” paliwanag ko nga sa kaniya at sunod-sunod din naman itong tumango bilang pagsang-ayon. “Fallout Shelter? Sa tingin mo gaano kaya katibay ang magagawa natin kung ifafollow natin ang logic behind the fallout shelter?” sunod-sunod ngang tanong niya sa akin habang ngayon ngay inopen na rin niya ang holographic computer niya at doon ngay nakaflash na nga ang prototype ng isang fallout shelter. “Malaki ang percentage ng durability ng fallout shelter. To the point na kahit sa isang nuclear bombing ay hindi siya nasisira,” sagot ko nga rito sabay pakita sa kaniya ng virtual clip kung gaano katibay ang isang fallout shelter. “But my question is paano kung sunod-sunod na pagsabog ang kakalabanin nito? Makakaya pa kaya nito?” sunod-sunod ngang tanong nito dahilan upang mapaisip ako saglit. “Y—yes it could be kung gagawin nating two layers ang base para siguradong hindi makakapasok ang ano mang rays sa loob. At tulad nga ng sabi ko ay may maintenance room ito sa loob so that we could monitor it from time to time,” paliwanag ko nga rito. “Then, let’s go. Maghanap na tayo ng mga materials na gagamitin natin,” saad nito dahilan para tignan ko siya ng diretso. Seryoso ba siyang as in now na kami kukuha ng mga materials?” “Kailangan na nating lumabas at kumuha ng materials bago pa tayo maubusan ng ibang grupo,” saad nga nito na isinuot na nga ang bag niya at ngayon ngay naglalakad na palabas ng office kaya wala na rin akong nagawa kundi kunin na rin ang bag ko at sundan na siya. “The first thing na hahanapin natin eh lead right? Dahil sigurado akong ‘yon ang unang-unang kukunin ng mga ibang grupo kaya’t kailangan natin silang maunahan,” tanong at saad nga rito habang naglalakad kami ngayon papuntang elevator. “Oo tama, lead muna ang kunin natin then next ay ang concrete at kailangan nga rin natin ng lupa, chalk, lime, at gravel na sa baba nga lang natin mahahanap,” sagot nga nito. “So, that means kailangan pa nating gumawa ng protective gears natin para makakuha tayo ng mga materials na ‘yon sa baba.” At halos sabay nga kaming napahinga nang malalim bago pa man pumasok sa elevator na kakabukas lang ngayon. “First task is to find a ton of leads. At habang naghahanap tayo ay kung maari, we will multitask. Gumawa ka na ng AI for the maintenance room at ako naman ay gagawa na ng prototype for the whole tunnel and base,” saad nito at tumango nga ako bilang sagot at inilabas na nga namin ang mga kaniya-kaniya naming portable hologram tablet at doon ngay ginawa na namin ang trabaho namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD