September 10, 2029
Omicron
“Oh, bakit ninyo inalis?” saad ko nga nang biglang alisin ni Heisen sa ulo ko ang headband na nagdedetect nga ng mga past memories ko.
“Enough with this Zild. Anduon na ang mga advisers natin kaya’t pumasok na kayong lahat sa mga classrooms niyo,” saad ni Heisen dahilan upang sarkastiko akong mapangisi sabay tayo mula sa pagkakaupo.
“T—teka, akala ko ba ay may parusa kami at mukhang hindi pa nga tapos ang parusa ko. Kaya sige na ituloy na natin ito. Kalkalin niyo pa ang nga memorya ko,” sarkastiko ngang saad ko at tiyaka nga pilit na inagaw ang headband mula kay Zild na siyang may hawak nito ngayon.
“Ang sabi ko, bumalik na kayo sa mga classrooms niyo!” bulalas ni Heisen dahilan para mabaling ang ang tingin ko sa kaniya.
“Bakit? Natatakot ba kayo? Ha? Natatakot ba kayong malaman ng mga taga-Mendeleev kung gaano sila kaswerte kumpara sa mga nasa baba na walang ginawa kundi magpagod sa paggawa ng kung ano-ano ngunit kayo ang nakikinabang sa mga ito?” sunod-sunod ko ngang tanong habang nakatingin sa kaniya ng diretso. At ngayon ngay nakakamao na ako at handa ko na talagang suntuking ang mga pagmumukha nila dahil sa pagiging hipokrita nila toward this issue.
“Ano? Hindi kayo makasagot? Naliwanagan din pa kayo na napakagago niyong lahat dahil habang nagpapagod ang mga tao na nasa baba ay heto kayo sa taas nagpapakasasa sa mga bagay na hindi niyo naman pinagpaguran!”
“Hindi namin kasalanan na naipanganak kayong mahirap,” sagot ni Zild dahilan upang hindi ko na napigilan ang sarili ko para suntukin siya ng tuloy-tuloy dahilan para magkagulo kaming lahat dito at maging nga si Isko ay napasabak na rin sa pakikipagbugbogan.
At ngayon ngay kasalukuyang kinwekwelyuhan ko na ‘yong Zild at nang akmang susuntukin ko na nga ulit sana siya’y napatigil nga ako nang biglang tumawa ito.
“Sige, suntukin mo ako nang mapatunayan mo na hindi talaga nararapat na bigyan ng pagkakataon ang mga taga-baba na makatungtong dito sa taas,” saad nito habang nakangisi dahilan para maintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Dahilan upang unti-unti ko siyang binitiwan.
“Hindi uobra ang tapang niyo dito sa Mendeleev. Dahil kung tapang lang ang papairalin niyo at hindi ang talino ay matatalo lang kayo,” saad ngayon ni Heisen habang sabay nga nilang inayos ni Zild ang mga kwelyo nila.
“Masyado ka pang mahina Mister Rivera,” saad ni Zild sabay tapik sa balikat ko.
Chi
“Kuya Isko dali dito,” saad ko nga nang makitang papasok na si Kuya Isko at umupo nga ito agad sa tabi ko dahil kanina pa nga talaga nag-start ang lecture ni Doktor Hidalgo at late na late na talaga sila ni kuya Omicron.
“Sabi kasi na huwag kayong malelate eh,” panenermon ko nang makaupo ito.
“Chi, alam kong alam mo kung bakit kami nalate.”
Kuya Omicron naman talaga oh.
“Kung hindi sana kayo nagpalate edi sana hindi pa naipakita ‘yon sa screen,” naiinis ngang saad ko nang maalala kung paano ako pagtinginan kanina ng mga kaklase ko nang biglaan nalang nagpakita sa holographic screen na nasa harapan namin ang memory ni kuya Omicron noong mga bata pa lamang kami.
“Miss Rivera, may sasabihin ka ba?”
At natigil nga ang usapan namin ni Kuya Isko nang tawagin nga ako ng bago naming adviser na pumalit kay Uncle Greg na ipinatawag na muli sa opisina ng direktor. At mukhang nahuli nga ni Doktor Hidalgo ang pagchichismisan naming dalawa ni Kuya Isko.
“W—wala po Doc.”
“So let us go back to the topic, shall we Miss Rivera?” saad at tanong ni Dok Hidalgo dahilan para mapatango ako ng ilang beses bilang sagot.
“Okay, so when a cell is submerged in water, the water molecules pass through the cell membrane from an area of low solute concentration to high solute concentration,” patuloy nito sa lesson namin at kasabay nga rin nito ang sunod-sunod at sabay-sabay naming pagtype sa kaniya-kaniya naming holographic computer.
_________________________
“So, aware naman siguro kayong lahat na may big announcement na gustong ipahatid ang institusyon,” panimula ni Doktor Hidalgo nang matapos na kaming maglesson. At halos lahat nga kami ay napukaw ang atensyon sa kaniya dahil kanina pa nga kami nacucurious kung ano nga ba ito.
“Magbabago ang monthly evaluation at magiging weekly evaluation na ang dating nito,” saad nito dahilan para manlaki ang mga mata namin sa gulat.
“Weekly?” gulat ngang tanong ni kuya Isko.
“Yes, you’ve heard it right. Weekly na ang magiging challenge niyo. What we meant by weekly ay sa isang buong week may challenge kayong dapat mapagtagumpayan. As a block, as a team or as an individual. Dipende sa challenge na maisip ng institusyon. At ang mas nakakaexcite ay weekly rin na may maeeliminate na sampung estudyante,” patuloy ng Doktor na siyang mas ikinagulat naming lahat.
“Dok Hidalgo teka, w—why the sudden change?” tanong ni Enrile na napatayo pa nga ngayon dahil sa gulat.
“That is because, napansin ng ating direktor na masyado ata kayong nagchichill noong mga nakaraang araw at ang iba pa nga sa inyo ay may panahon pang makipagharutan at makipagkaibigan which is really unnecessary. That is why he have decided na magkakaroon na nga kayo ng mga challenge na gagawin every week at magsisimula na nga ‘yon ngayon din.”
At pagkatapos nga na pagkatapos niyang sabihin ‘yon ay lumabas nga sa holographic screen na nasa harap namin ang hologram ni Uncle Greg.
“At mukhang natapos naman na sigurong ipaliwanag sa inyo ng mga advisers niyo patungkol sa pagbabago ng mga mangyayari ngayong buwan bilang hakbang sa pagpili ng limang mga estudyanteng ipapadala sa Mikrodunia pagkatapos ng taon na ito,” panimula nito at kasabay ngang nagpakita rin sa hologram ang itsura ng Mikrodunia.
“At ang magiging unang challenge niyo nga ay per pair. At kami nga ang mag-aassign mismo ng makakapartner niyo na maya-maya niyo na rin malalaman. And do not ever expect na sa block niyo rin lang matatagpuan ang makakapartner niyo dahil random namin inassign ito without considering your blocks,” patuloy nito dahilan para mapakunot ako ng noo at maging nga ang mga kaklase ko ngayon ay medyo dismayado dahil maaari ngang sa ibang mga blocks manggagaling ang maaari nilang makapartner.
Pero ang umiikot na tanong sa ulo ko ngayon ay kung ano nga ba ang unang pagsubok na gagawin namin?
“At bago niyo nga malaman ang mga kapartner niyo ay ieexplain ko muna sa inyong lahat kung ano nga ba ang pagsubok o problemang kailangan niyong solusyunan,” saad ni Uncle Greg dahilan para mapatingin ako agad sa hologram nito na ngayon ngay napalitan na ng parang live footage ng sunod-sunod na pagsabog sa baba at dito ngay makikita ang mga nakatayong malalaki at malalapad na tunnel na siyang nagsusupport ng lupang tinatapakan namin ngayon dito sa itaas.
“Aware naman siguro kayong ang mga base tunnel na ‘yan ay gawa sa tungsten, steel, chromium, titanium at iba pang pinagsama-samang uri ng metals upang maging suporta ng lupang kinatatayuan natin ngayon dito sa itaas. Pero ang hindi kayo aware ay unti-onti nang nasisira ang mga tunnel na ito which is seen sa kaila-ilaliman ng mga ito,” paliwanag niya at sabay ngang napakita ang live footage ng underground kung saan sunod-sunod ang pagsabog at makikita ngang tila unti-onti nang nasisira ang mga ibaba ng mga tunnel at kung masira man ang mga ito ay tuluyang babagsak ang kinatatayuan namin ngayon.
“Ang magiging pagsubok niyo ay ang pumunta sa kaila-ilaliman ng lupa at palitan nga ang babang parte ng tunnel. Pero hindi kami magproprovide ng any equipments for you bagkus ay kayo mismo ang gagawa ng mga bagay na alam niyong magproprotekta sa inyo sa sandaling gagawin niyo na ang challenge. And also, we will not provide any metals na pampalit bagkus ay kayo rin ang maghahanap nito. We will not provide anything to you and we will test kung gaano ba karesourceful ang mga estudyante ng Mendeleev.”
“We will assign a tunnel for you na kailangan niyong ayusin at ang kung sino man ang makapalit ng mas matibay na foundation for our tunnels ay ang siyang pair na makakakuha ng highest score for the weekly evaluation which is 100 points. And the second place will be getting 70 points. At ang rank 3 naman ay makakakuha nga ng 40 points. And the rest will be getting 10 points pero ang sinomang limang pair ang makakuha ng lowest score ng resiliency ng kanilang foundation na gagawin sa tower ay maieeliminate na at hindi na magkakaroon ng tiyansa pang makuha sa isa sa mga ipapadala sa Mikrodunia,” dagdag pa nga nito dahilan para mapatingin ako kay Kuya Isko.
“Kuya Isko, we need to aim the rank 1 no matter what happens. We need to win this challenge at dapat isa tayo at si Kuya Omicron ang maipapadala sa Mikrodunia,” saad ko nga rito at tumango naman ito bilang pagsang-ayon.
“So, ready to know kung sino ang makakapair niyo for the first challenge?” tanong ni Uncle Greg dahilan para mapahinga ako ng malalim at manalangin na sana matino ang makagrupo ko at alam kong masama mang pakinggan pero sana naman mapapakinabangan ko ang makakagroup ko.
“Ang partner niyo ay kusang magpapakita sa inyong mga kaniya-kaniyang holographic computer.”
At pagkasabing-pagkasabi nga niya nito ay sabay-sabay kaming napatingin sa mga holographic screen namin at nagflash nga kusa ang name at block ng makakapartner namin.
At halos mapatakip ako ng bibig ko nang dahil sa gulat nang malaman ko kung sino ba ang makakapartner ko.
“C—chi, are you okay? Sinong partner mo?” sunod-sunod na tanong ni Kuya Isko at hindi ko nga ito sinagot bagkus ay nakatitig pa rin ako sa pangalan nito at halos mapailing nang kusa.
June 27, 2025
Chi
“Psst! Hoy!” tawag ko roon sa lalaking nakausap ko sa may bungad ng CR kahapon na siyang tuluyan ko na ngang nakalimutan ang pangalan.
Nandito ito ngayon sa may labas ng main building ng Cluster 1 at pinagmamasdan ang sunod-sunod na pagsabog sa labas ng safe zone. At napansin ko nga ring may suot na itong eyeglasses ngayon.
“Oh, Chi right?” tanong nito at tumango nga ako bilang sagot.
“Sorry ha pero, ano na nga ba ulit pangalan mo?” tanong ko rito sabay kamot ng ulo ko.
“Nael. B—bakit nakalimutan mo na agad?” nagtatakang tanong niya.
Oh right, Nael nga pala.
“Ah, oo eh. Mahina kasi ako sa pagreremember ng mga names. Pero hindi bale na, hindi iyon ang dahilan kung bakit tinawag ko ang pansin mo. Diretsahan na tayo ha N---nael,” sagot ko nga at napataas nga siya ng kilay niya na mukhang takang-taka nga ata sa mga sinabi ko.
“Hindi ba sabi ko sa’yo kahapon na hindi act of kindness ‘yong pagtulong ko sa’yo?” tanong ko nga rito at unti-onti nga itong tumango bilang sagot.
“Kaya hindi na ako magpapaligoy pa at sasabihin ko na ang kailangan ko sa’yo,” panimula ko nga at tiyaka nga ako huminga ng malalim bago pa man siya tignan ng diretso at sabihin nga ang kailangan ko sa kaniya.
“Kailangan kong makapunta sa taas at sa Mendeleev kasama ang mga kuya ko,” saad ko rito at tiyaka nga pumikit habang inaantay ang kasagutan niya.
“A—ano? P—paano ko naman gagawin ‘yon?” sunod-sunod ngang tanong nito dahilan para unti-onti ko ngang imulat ang mga mata ko at bumungad nga sa akin ang mukha nitong takang-taka at nakakunot nga halos ang noo.
“Eh, hindi ba nga aalis kayo rito sa baba sa sabado. Pwede mo kaming itago ng kuya ko at pasimple ngang isakay sa eroplano or helicopter na sasakyan niyo. Oh, hindi kaya naman ay kahit na ilagay mo nalang kami sa may bagahe mo at isabay sa byahe niyo pataas,” disperada ko ngang sagot.
“Alam mong malabong mangyari ang hinihiling mo dahil hindi lang kayo ang mapapahamak sa gagawin niyo kundi maging ako. At hindi mo lubos gustong malaman ang maaaring pwedeng gawin nila sa inyo at sa akin sa oras na gawin natin ‘yon,” sagot nito dahilan para mapatingin nga ako sa malayo at mapabuntong hininga.
“M—malabo ba talaga?” tanong ko nga habang hindi nakatingin sa kaniya.
“Yes, sobrang labo. Humiling ka nalang ng iba Chi,” saad nito dahilan para tumingin na nga ako sa kaniya ngayon. “At bakit ba gusto mong pumunta sa taas?”
“Bakit ba nasa taas kayo?” baling ngang tanong ko rito dahilan para matahimik siya habang nakakunot ang noo niya.
“Nais kong pumunta sa taas kasama ang mga kuya ko dahil ayaw kong mamatay kami ng tuluyan dahil sa gutom at pagod. Ayaw kong manatili na rito habang buhay. Kaya kahit ano gagawin ko basta lamang makapunta kami sa taas,” patuloy ko nga dahilan upang unti-unting maalis ang kunot sa noo niya.
“T—titignan ko kung anong pwedeng paraan ang maaari kong maitulong para matupad ang kahilingan mo,” saad nga nito dahilan para mapangiti ako ng tuluyan at hindi na nga napigilan ang sarili ko na yakapin siya dahil sa saya.
“Pero Chi, kahit ano gagawin mo ha?” tanong nga nito nang kumawala na ako sa pagkakayakap sa kaniya.
At tumango nga ako ng ilang beses bilang sagot sa katanungan nito.
“Kahit ano gagawin ko.”