September 10, 2029
Chi
“4 years ago? Nakilala kita 4 years ago?” panganglaro ko nga dahil hindi ko talaga ito maalala pero hindi na nga niya ako sinagot at ibinaling na muli ang atensyon niya sa pintuan ng elevator na ngayon ngay nagbukas na.
Pero nang lalabas na nga rin sana ako ay bigla nga akong natigilan nang may maalala ako 4 years ago na isang batang lalaki na nameet ko nang pumunta kami sa Cluster 1.
“T—teka, ikaw si El?” tanong ko nga kay Samuel na ngayon ngay humarap na sa akin habang nakakunot ang noo niya.
“El?” nagtatakang tanong nito at bago ko nga siya sagutin ay naglakad na nga ako palabas ng elevator at tiyaka tinignan siya ng diretso.
“I—ikaw ‘yong batang umiiyak at tinanong sa akin kung anong gagawin mo kung nalaman mong bad ang papa mo,” saad ko nga habang tuwang-tuwa nang maalala ko nga ang pagkakataon na ‘yon at unti-onti nga siyang tumango bilang pagkumpirma dahilan para magulat ako at hindi makapaniwala na siya at ang batang ‘yon ay iisa.
“Buti naman at naalala mo na,” saad nga niya habang nakangiti pa rin hanggang ngayon. Kaya pala pamilyar ang ngiting ‘yon.
“Hoy kayong dalawa, ano pang ginagawa niyo rito ha?”
At naputol nga ang usapan namin nang lumabas mula sa elevator si Enrile na inakbayan pa nga ako dahilan para agaran kong alisin ito at itulak siya ng kaonti.
“Nakaabala ba ako sa usapan niyo kambal?” tanong nga nito kay Samuel na medyo iritable na nga ngayon dahil kay Enrile.
“Mabuti pa’t pumasok na tayo dahil ilang minuto nalang ay late na tayo oh,” saad ko nga at nag-umpisa na ngang maglakad papunta sa classroom namin.
At sinundan din naman ako ng dalawa na ngayon ngay ramdam kong nagtutulakan na naman sila sa likod ko dahilan para mapatigil nga ako sa paglalakad at tignan sila ng seryoso na siyang dahilan para matigilan sila sa ginagawa nila.
At nagpatuloy na nga ako sa paglalakad hanggang sa nasa tapat na kami ng classroom na kung saan ay anduon na halos lahat ang mga kaklase namin na halos abala lahat sa harap ng mga hologram laptop nila.
Omicron
“Alam mo Omicron kapag tayo talaga nalate ay sasapakin talaga kita at dudoblihin ko ‘yang mga pasa mo sa mukha,” pananakot nga ni Isko sa akin kasi nga 3 minutes nalang ay late na talaga kami. Nandito nga kami ngayon sa elevator at papunta na sa floor kung saan naroroon ang mga classrooms.
First time kong papasok ngayon sa klase dahil tapos na nga ang parusa kong 1 week kaya medyo nakahinga ako ng maluwag dahil hindi na ako magiging sunod-sunuran ng dalawang president na ‘yon.
“Dapat kasi sumabay na ako kay Chi kanina at hindi na sana kita inantay,” dagdag pa nga ni Isko pero tinawanan ko lang ito para maasar siya lalo.
“Tatawa-tawa ka pa diyan, kung upakan kaya kita diyan,” saad pa nga niya na mukhang triggered na kasi late na talaga kami.
“Bakit? Ano bang mangyayari kung late ka ha?” sunod-sunod ko ngang tanong sabay bukas ng lollipop na nasa bulsa ko at sabay subo nito.
“Kung alam mo lang kung gaanong kahihiyan ang mararanasan mo dahil sa parusang matatanggap nating dalawa,” saad nga nito pero tumawa nga lang ako dahil napaka-exaggerated naman niya sa pagsabi nito na kumbaga baa ay parang kamatayan na ang katumbas ng parusa.
_________________________
“Oh, Omicron mauna ka na total nasa block A ka,” utos nga nong Zild dahilan para manlaki ang mata ko.
“Seryoso kayo?” gulat ko ngang tanong.
“Mukha ba akong nagbibiro? Umupo ka na diyan at manalangin ka na ibang fear ang madedetect ng device namin,” saad nga nito na mukhang nang-aasar pa nga.
Kanina nga kasi ay pagkalabas na pagkalabas pa lang namin ng elevator ni Isko ay sinalubong na nga kami agad ng mga officers at pinapaupo sa isang upuan na may nakatutok na camera. Na sabi nga ni Isko ay nabroabroadcast nga raw ito sa lahat ng mga blocks.
At ang sabi pa nga niya ay gagawin ka raw katatawanan sa sandaling umupo ka sa upuan na ‘yan na kung saan ngay may isasaksak sa iyong head gear na siya raw magdedetect ng biggest fear mo at maiproproject raw ito sa lahat ng screen ng mga blocks.
Sana naman hindi ‘yong fear ko sa daga ang magpakita at sana nga hindi magproject sa screen ‘yong mga pagsigaw-sigaw ko nang iano sa akin ni Helena ‘yong daga.
At nang inilagay na nga ang headband na siyang nakakabit sa mga sensor devices ay tuluyan ko ngang ipinikit ang mga mata ko at manalangin na sana hindi nga ‘yon ang lumabas.
Helena
Ngayon ngay halos abala ang lahat ng mga tao rito sa block A sa kani-kanilang mga researches habang inaantay ngang pumasok ang adviser namin.
Pero halos napatigil kaming lahat nang may magproject sa tv na minsan nga lang nangyayari kung may late.
At ang mas ikinagulat ko ay nang makitang si Omicron ang nakaproject na ngayon ngay nakakabit na sa kaniya ang headband na siyang sensor na pwede ngang mabasa ang isip ng tao lalong-lalo na ang pinaka-memorable scene sa buhay ng tao. At kung minsan nga at kadalasan ay pati ang fear mo ay madedetect nito.
“Ang lakas naman ng amog ng mga ‘yan at nagpalate pa,” saad nga ni Yannie na ngayon ngay nagtatawanan na halos lahat ng mga kaklase namin nang magproject nga ang memorya ni Omicron na kung saan ay tinatakot ko siya gamit ang daga at rinig nga ang pagsigaw nito ngayon.
Napapanuod nga naming lahat ngayon ang point of view ni Omicron noong pagkakataong tinatakot ko siya ng daga.
At maski ako ay hindi na rin mapigilang ngumiti nang maalala ko ang eksaktong mukha niya noong pagkakataong yaon.
At after nga ng scene na ‘yon ay nagflash naman ngayon ang scene na kung saan nga ay nasa parang madilim na kwarto si Omicron at kasama nga ang hula kong si Chi. At kung hindi ako nagkakamali ay ang memoryang ito ay noong mga bata pa lamang sila.
“Kuya, nilalamig ako.”
Nanginginig ngang saad nong batang Chi. At halos natigilan din ang mga kaklase ko dahil sa biglaang pagshift ng nasa utak ni Omicron.
“Chi, konting tiis lang at balang araw ay hindi na rin tayo sa tent na ito titira,” saad nga ni Omicron na niyakap na nga ang batang Chi na nanginginig ngayon sa takot.
“Kuya, bakit po andaya nila?” panimula ni Chi na ngayon ngay kumawala na si Omicron sa pagkakayakap kay Chi at pinunasan nga nito ang mga pumapatak na luha mula sa mata ng kapatid niya.
“Chi, sino?” tanong ni Omicron.
“’Yong mga nasa taas kuya,” sagot ng batang Chi na siyang nagpatigil sa akin ngayon na siyang dahilan upang matuon ang buong atensyon ko sa screen.
“Bakit po nila tayo iniwan dito sa baba? At bakit sa tuwing nakakagawa kayo ng mga bahay kuya ay idinadala rin sa itaas imbes na tayo ang gumamit? At bakit kung sa tuwing may tutubong gulay o prutas o kahit na anong pagkain ay dadalhin din sa taas?” sunod-sunod ngang tanong ni Chi na tuloy-tuloy na nga ang pag-iyak dahilan para yakapin nga ulit siya ng kuya niya.
Nang tumingin nga ako sa paligid ko ay napansin ko ngang tumahimik lahat ang mga kaklase ko at ang iba pa ngay napaiwas pa ng tingin sa tv. Ngunit nabaling ang atensyon ko nang tumayo si Heisen at dali-dali ngang lumabas.
“Hulaan ko, pipigilan ni mister president ang projection ng realidad na nangyayari sa baba,” bulong nga sa akin ni Irene na mukhang parehas nga kami ng iniisip ngayon.
“Dahil ayaw nilang malaman at mamulat ang mga estudyante ng Mendeleev patungkol sa issue na ito,” patuloy ko nga sa sinabi niya.
“At bakit kuya kapag tayo, kailangan nating paghirapan ang makakain natin ngunit sa taas ay hayahay na sila at ligtas na sila sa mga pagsabog? Hindi ba pwedeng doon nalang tayo lahat kuya—“
Patuloy nga ng batang Chi at tulad nga ng inaasahan namin ni Irene ay natigil na ang broadcast na mukhang ipinatigil na nga ni Heisen.
“Oh, sige na, umayos na kayong lahat dahil tapos na ang palabas,” saad nga ni Doktor Tiago na siya nga naming adviser at kakapasok nga lang ngayon sa classroom namin.
Dahilan upang mapaayos silang lahat ng kanilang mga upon a tila baga nga walang nangyari at dumaan lang na parang hangin ang realidad na nasaksihan namin kanina.