September 9, 2029
Helena
“Baka magka-diarhea ako nito dahil diyan sa lintek na ramen niyong ‘yan! At mas worst kung malason pa ako nang dahil diyan!” sunod-sunod ngang bulalas ko habang sinusubukan ngang tusukin ang lalamunan ko para maisuka ko ang mga kinain kong ramen.
“Arte mo naman. Edi sana naisip niyo ‘yan no. Na kayo dito sa taas ay ang sasarap ng mga kinakain niyo pero samantalang nga ‘yong mga nasa baba ay naghihikapos at walang makain. At ang iba pa ngay, pinipilit ngang magtrabaho para may maipadalang pagkain dito sa mga nasa taas. Kami ang naghihirap na magproduce ng pagkain pero kayo ang nakikinabang,” sunod-sunod ngang saad ni Omicron dahilan para matigilan ako sa ginagawa ko at harapin nga siya pero halos mapaiwas ako ng tingin nang makitang inalis nga nito ang t-shirt niya pero saglit akong natigilan nang hindi ko sinasadyang mahagilap ang malaking marka na nasa likod nito.
“Aray!” bulalas ng batang lalaki nang pahiran ng doktor ang napakalaking sugat nito sa likod.
“Helen, tiyaka ka nalang magpasalamat sa batang ‘yon dahil ngayon na ang alis natin papunta sa taas,” pabulong ngang saad ng Heneral sa kaniyang anak na siyang inilingan nga nito.
“Pero dad, kung hindi ko siya papasalamatan ngayon ay kailan pa?”
“Helen,” tawag pa nga ng Heneral nang biglang tumayo ang kaniyang anak sa pagkakahiga at paika-ika ngang pinuntahan ang batang lalaki na ngayon ay paunti-onti nang naiidlip dahil sa anaesthesia na isinaksak sa kaniya ng Doktor.
“Bata, maraming salamat sa tulong mo ha. Bilang pasasalamat ay sasabihin ko sa’yo ang pangalan ko at hanapin mo lang ako kung sakaling may problema ka o kailangan dahil handa akong tulungan ka kahit kailan,” saad ni Helena. “Helena Garcia ang aking pangalan.”
At nang saktong natapos nga ito sa pagsasalita’y tuluyan na ngang nakaidlip ang batang lalaki.
“Helen, tara na,” tawag ng Heneral sa kaniyang anak.
“Wait dad, narinig niya kaya ‘yong mga sinabi ko?” tanong pa nga ng bata dahilan para tuluyan ngang mapakamot ng ulo ang Heneral.
“Helen, malilate na tayo. Sigurado naman akong matatandaan ka ng batang ‘yan kaya tara na,” saad nito na tuluyan ng naubusan ng pasensya at hinawakan na nga ang pulso ng kaniyang anak kaya’t wala na ngang nagawa ito kundi sumunod sa kaniyang tatay.
“S—saan mo nakuha ‘yang sugat mo sa likod?” unti-onti ko ngang tanong kay Omicron at natigilan nga ito ngayon sa ginagawa niya na siyang unti-unti ngang hinarap ako habang nakakunot ang mga noo niya.
“Oh, Omicron ‘yan na damit mo!”
At tuluyan ngang naputol ang usapan namin nang dumating si Isko na ibinato nga kay Omicron ang malinis na t-shirt na pampalit nito.
Malabo…
Malabong siya ang batang ‘yon.
“Ah, Helena, ano nga—“
“Wala, m—mukhang nagkamali lang yata ako. Akala ko kasi ay ikaw rin ‘yong kakilala kong may sugat sa likod na matagal ko na ngang hinahanap ngunit mukhang malabo na ikaw ‘yon,” sunod-sunod ko ngang saad.
“Pero paano kung ako nga? Hindi ba Isko?” tanong nga ni Omicron na naisuot na nga ngayon ang t-shirt dahilan para mas diretso ko na siyang tignan ngayon hindi tulad kanina.
“Oo nga miss president, paano kung itong si Omicron nga ‘yong hinahanap mo?” panunuporta pa nga nong kaibigan niya na Isko nga ang pangalan.
“Malabong mangyari ‘yon dahil ang lalaking ‘yon ay matapang at sa katunayan ngay iniligtas pa nga niya ako noo,” saad ko nga dahilan para matahimik ng tuluyan si Omicron.
“Omicron, mukhang hindi nga ikaw ‘yon. Kasi sabi matapang eh,” pang-aasar pa nga sa kaniya nong Isko dahilan para lakihan niya ito ng mata at katusin ang ulo.
Tama, malabo nga talagang siya ito.
“Teka nga pala, bakit pala nandito ka ha Helena?” baling ngang tanong ni Omicron matapos makipagkatusan kay Isko.
“Ah, muntikan ko ng makalimutan,” saad ko ng nang tuluyan kong maalala ang intensyon ng pagpunta ko rito sa unit nila. Kaya naman ay kinuha ko na ang tabletang gamot na pain reliever at makakatulong sa kaniya para hindi niya masyadong maramdaman ang sakit ng mga natamo niyang sugat at pasa.
“Ipinapaabot pala ito ni Doktor Greg sa’yo,” saad ko sabay lapit sa kaniya at abot ng mga gamot.
Pero nagtaka nga ako nang titigan lang nga niya ito at hindi nga kinukuha sa kamay ko.
“Sabihin mo sa kaniya, hindi ko tatanggapin ‘yan at kahit na anong tulong na iaabot niya sa aming magkapatid ay hindi namin tatanggapin,” saad nito na para bang nagbago nga ang aura dahilan para agad ko na ngang ibulsa ang gamot habang nakakunot na ang noo ko nang dahil sa pagtataka sa naging reaksyon niya.
Omicron
“Nakakain na tayo lahat-lahat at nakaalis na nga rin si Doctor Helena pero wala pa rin si Chi,” saad ni Isko na ngayon ngay kumakain na ng tsokolate habang nanunuod sa luma at medyo sira-sira na nga niyang laptop na napulot pa namin 7 years ago. Na siyang kadalasang pinagpapanuoran nila ni Chi palagi ng mga Netflix series at movies.
“Hindi ba kasama mo si Chi noong mga oras na ‘yon? Wala man lang ba siyang naikwento sa’yo o hindi mo man lang ba naaalala na nagkita sila noon pa lamang nong Heisen na ‘yon?” sunod-sunod ko ngang tanong sa kaniya na siyang dahilan upang tumingin nga ito sa ceiling upang mag-isip.
“Wala talaga akong maalala eh. Kasi nga simula noong second day non ay naaalala kong pinaghiwalay kami ng trabaho ni Chi kaya noong last day nalang kami tuluyang nagkita. At ‘yon nga, doon na siya nag-umpisang mag-iba ng ugali at mas naging tahimik na lamang siya,” paliwanag nga ni Isko ngunit naputol nga ang usapan namin nang biglang nagbukas ang pinto.
At sa wakas ngay nakauwi na rin si Chi na hindi man lang namin nakausap dahil tuloy-tuloy na nga itong naglakad papunta sa kwarto niya at mukhang wala nga rin ito sa mood na makipag-usap kaya hinayaan nalang namin siya ni Isko na makapasok na sa kwarto niya.
“Sige tol, mauna na rin ako sa kwarto ko dahil maaga pa tayo bukas,” paalam nga ni Isko na siyang tinanguan ko rin naman bilang sagot.
September 10, 2029
Chi
“Mabuti naman Omicron at makakapasok ka na ngayon officially at hindi ka na nga magiging assistant ng dalawa nating presidente,” saad nga ni kuya Isko na ngayon isinubo na ang natitirang isang kutsara ng kanin mula sa plato niya.
Maaga pa nga lang ay gumising na talaga kaming tatlo dahil inannounce nila kagabi na dapat maaga kaming pumasok ngayon sa kaniya-kaniya naming mga classrrom dahil may bagay ngang iaannounce patungkol sa monthly evaluation.
“Papasok ba talaga ako ngayon? Eh, ang sakit pa ng katawan ko. At tiyaka, papasok talaga akong ganito ang mukha ko na tadtad ng mga pasa?” pag-iinarte nga ni Kuya Omicron dahilan para mapabuntong hininga ako at harapin siya ng tuwiran.
“Kuya, nakita kita kagabi na sumasayaw-sayaw ka sa kwarto mo. Kaya huwag ka ng magdahilan at pumasok ka na lang para naman may matutunan ka,” diretsahang saad ko nga at nakita ko ngang tila nakatingin sila sa aking dalawa ni kuya Isko na dala ang mga nakakabwesit nilang mga expression na tila baga gulat na gulat silang nagsalita ako.
“Chi, totoo bang pinapansin mo na kami?” tanong pa nga ni Kuya Omicron na tuwang-tuwa pa dahilan para irapan ko siya.
“Bakit? Pinapansin ko naman kayo ha. At bakit naman hindi ko kayo papansinin?” baling ko ngang tanong sa kanila pero sabay pa ngang napailing ang dalawang mokong na ayaw ngang maniwala sa sagot ko.
“Eh, bakit nong pagpasok ka kahapon ay hindi mo man lang kami kinausap ni Omicron at dinaanan mo lang kami ha?” pangangatwiran nga ni Kuya Isko at ito naman ngang si Kuya Omicron ay proud na proud sa sagot ni Kuya Isko.
“Wala kasi ako sa mood non pero hindi ko naman intensyon na maramdaman niyong hindi ko kayo pinapansin ha—“
“Oh sige na Chi, sige na tanggap na namin ang mga dahilan mo. Dahil alam namin na kung hindi pa kita pipigilan sa pagsasalita ay hahaba pa ang usapan at magiging debate pa,” pigil nga sa akin ni kuya Omicron dahilan upang mapasinghap ako.
“So, saan nga nanggagaling ‘yong napaka-lakas mong sampal kay mister president kahapon? Ha, Chi?” tanong nga ni Kuya Isko dahilan para matahimik ako at tuluyan na ngang tumayo.
“Hoy, mga kuya anong oras na oh. Baka malate pa tayo kaya tara na,” pambabaling ko nga ng usapan at dali-dali na ngang kinuha ang bag ko at dirediretso na ngang lumabas.
“Hoy Chi teka lang!” rinig ko ngang sigaw ni Kuya Omicron.
“Tignan mo, hindi mo na naman kami pinapansin!” at bulalas din naman ni Kuya Isko pero tuluyan ko na ngang isinara ang pinto at maglalakad na nga sana ako papunta na sa elevator nang bigla ko ngang nakasalubong si Samuel.
“Oh, sakto Sasha. Papasok ka na rin ba?” tanong nga nito na mukhang papasok din sa elevator ngayon kaya mukhang magkakasabay nga ata kami.
Tumango nga ako bilang sagot dahilan upang sabay na nga kaming pumasok sa elevator na kakabukas lang ngayon.
“Kamusta na pala ang Kuya Omicron? Balita ko ay nabugbog daw siya?” sunod-sunod ngang tanong ni Samuel.
“Ayos naman na siya. Sobrang ayos na,” sagot ko nga at medyo nainis pa nga ako nang maalala ko na naman kaninang madaling araw nang nagising ako dahil sa mga tugtugan ni kuya at nang sinilip ko nga ay todo hataw siya sa pagsayaw.
“Talaga? Eh, i—ikaw?” tanong nito ngayon dahilan para mapakunot ako ng noo at mapatingin nga sa kaniya dala ang mukhang nagtataka.
“A—ako?” nagtatatakang tanong ko rito sabay turo sa sarili ko at tumango nga ito bilang sagot.
“Narinig ko kasi ang usapan niyo ni Kuya Heisen. Eh, magkafloor ba naman tayo kaya eksakto ngang paglabas ko ay medyo malapit kayo sa unit namin at narinig ko ang usapang niyo,” sagot niya dahilan para tuluyan nga akong mapaiwas ng tingin.
At saglit ngang namuntawi ang katahimikan sa aming dalawa ngunit nawala nga ito nang nagtanong muli siya.
“Hindi mo ba talaga ako naaalala Sasha?”
Dahilan para mabaling muli ang tingin ko sa kaniya at ngayon ngay nakatingin siya ng diretso sa akin dala ang ngiti niya na kailanma’y hindi nawawala sa kaniya. Dahil simula nang makikila namin siya sa unang araw namin dito ay kailanman hindi ko pa siya nakikitang hindi nakangiti o problemado except kung naglalaban sila ni Enrile.
“A—anong ibig mong sabihin?” tanong ko rito ngunit muli’t muli nga lang siyang ngumiti at ibinaling ang tingin sa pintuan ng elevator.
“Hindi lang naman si Kuya Heisen ang nakilala mo 4 years ago eh.”
June 26, 2025
Chi
“Oh, Chi san ka ba nanggaling? Kanina pa nagkukulang ng magluluto kaya pumwesto ka na roon nang hindi ka mahalata ng nagbabantay na kakarating mo lang,” bungad nga sa akin ni Kuya Isko dahilan para dali-dali nga akong pumwesto sa may lutuan at kumuha na nga ng sandok at naghalo na ng sopas kunwari para magmukhang kanina pa ako nandito.
“E—excuse me?”
At natigilan nga ako sa paghahalo ng sopas nang bigla ngang may lalaking mukhang kasing-edaran ko lang ang lumapit sa akin. At nang tignan ko nga ito ay umiwas siya ng tingin at napansin ko ngang parang paiyak na ito dahilan para magtaka ako at mapakamot ng ulo ko.
“Ah, ikaw ba nakapwesto rito? Sorry ah, mukhang naagawan ata kita—pero ito oh, ibabalik ko na ang sandok mo at lilipat na ako doon sa prituhan,” dali-daling saad ko at tiyaka nga ibinigay na ang sandok dahil mukhang umiiyak na nang tignan ko.
At nang nakapwesto na nga ako sa prituhan ay medyo nabaling na naman ang atensyon ko sa batang lalaki na nakasteady nga lang ang tayo at tinititigan lang ang laman ng kaldero at patuloy pa rin ngang lumuluha ito ngayon. At sa hindi na nga ako nakatiis ay nilapitan ko na nga muli ito.
“Hoy bata, may problema ka ba? Baka kasi mapagalitan ka pa ng nagbabantay kung iiyakan mo lang ‘yang sopas,” saad ko nga rito dahilan para mabaling ang tingin niya sa akin habang pinupunasan ang mga luha niya.
“Anong gagawin mo kung malaman mong bad ang papa mo?” nahihikbing tanong nito dahilan para mapakamot ako ng ulo ko.
“Buti nga ikaw may papa eh,” saad ko nga rito dahilan upang matigilan nga ako ngayon nang maalalang muli ang pangyayaring pumatay sa mga magulang namin.
“Hindi nga seryoso, paano kung harap-harapan mong nasaksihan na bad ang papa mo?” tanong nga muli nito habang pinupunasan na nga ngayon ang mga luha niya.
Dahilan para mapakamot muli ako ng ulo dahil hindi ko nga talaga alam ang isasagot ko sa tanong nito.
“Edi, mag-imbestiga ka tapos siguraduhin mo kung tama ba talaga ang nalaman mo,” sagot ko nga na noong una pa ngay medyo natigilan ako at napaisip sa mga pinagsasabi ko.
“M—mag-imbestiga? Ang lalim mo namang mag-isip.”
“Kasi nga minsan namimisinterpret natin ang mga bagay-bagay na nagcrecreate ng mga bugs na kung minsan ay mahirap na idebug,” saad ko rito habang diretso ngang nakatingin sa mga mata niya.
“B—bugs? D—debug? Ano?” sunod-sunod ngang tanong niya na mukhang litong-lito sa mga pinagsasabi ko.
“Basta mag-imbestiga ka. At kung maaari ay tanungin mo mismo ang papa mo patungkol dito,” saad ko nga at tuluyan na nga sanang maglalakad pabalik sa prituha nang hawakan nga niya ang pulso ko.
“What is your name?” tanong nito dahilan upang mapakamot nga ako ng ulo.
“Chi Sasha Rivera ang pangalan ko,” sagot ko nga rito at ngayon ngay kumpara kanina ay nakangiti na siya na dahilan para unti-unti akong mahawa sa ngiti niya.
“Thank you Sasha,” saad nito dahilan para matawa ako ng mahina dahil siya lang ang kauna-unahang taong tumawag sa akin ng pangalan na ‘yon.
“Alam mo, mas maganda kung nakangiti ka nalang palagi kasi medyo nakakahawa talaga ang ngiti mo. Tila ba nagbavibrate ka ng positivity dahil sa ngiti mo,” pabiro ko ngang saad.
“Then I will keep this smile from now on,” saad nga nito na siyang dahilan upang matawa ako dahil hindi ko nga inakalang seseryosohin niya ‘yong biro ko.
“Samuel? What are you doing here?”
At naputol nga ang usapan namin nang may nagtawag na isang binata mula sa labas at mukhang itong batang lalaki nga ata ang tinatawag.
“Mauna na ako Sasha,” paalam nga nito sa akin na mukhang tinotoo ngang magssmile na siya from now on kasi hindi pa rin nga naaalis ang ngiti nito magpahanggang ngayon.
Wait, ano na nga ulit pangalan niya? Gabriel? Emmanuel?
“Hay naku Chi, bakit ba ang bilis mong makalimot ng names.”
Mukhang hindi ko na malalaman dahil tuluyan na nga siyang nakaalis.
Until we meet again El. Oo El nalang itatawag ko sa kaniya total ‘yon naman ‘yong naaalala kong sound ng last ng name niya.
Wait how about ‘yong lalaking matangkad na may myopia? Ano na nga ba ulit pangalan non?