Part I: Kabanata 21

2124 Words
September 9, 2029 Chi “Chi, saglit,” tawag nga ulit niya at hinawakan pa nga ako sa may pulso dahilan para harapin ko na siya. “Pati ba naman ikaw iiwasan ako? Chi, ilang taon na ang nakakalipas—“ “Pero hindi ko pa rin makakalimutan ang ginawa mo sa akin,” tuwirang saad ko nga rito. “Bakit parang kasalanan ko lang Chi? Ganoon na ba talaga kalaki ang galit mo sa akin para kimkimin mo ito ng ilang taon?” sunod-sunod nga niyang tanong dahilan para tignan ko siya ng seryoso at halos hindi nga ako makapaniwala ngayon sa mga pinagsasasabi niya. “Oo dahil kasalanan mo lahat kung bakit nasira ang plano ko! Kung bakit nagbago ang lahat! At kung bakit nawalan ako ng pangarap para sa sarili ko!” sunod-sunod ko ngang bulalas at hindi ko nga namalayan na may pumapatak na palang mga luha sa mga mata ko dahilan para agaran ko nga itong punasan at tumakbo na palayo sa kaniya. Heisen “Bakit parang kasalanan ko lang Chi? Ganoon na ba talaga ang galit mo sa akin para kimkimin mo ito ng ilang taon?” sunod-sunod kong tanong sa kaniya. “Oo dahil kasalanan mo lahat kung bakit nasira ang plano ko! Kung bakit nagbago ang lahat! At kung bakit nawalan ako ng pangarap para sa sarili ko!” sunod-sunod nga niyang sagot sa akin at nakita ko ngang sunod-sunod na rin ang pagpatak ng mga luha niya sa mata at nang susubukin ko na nga sanang punasan ito ay mukhang napansin na nga niya ang pagpatak nito at naunahan na ako para punasan ito. At tulad nga ng inaasahan ko ay tumakbo na ito palayo sa akin. “Hindi lang naman ikaw ang nawalan ng pangarap Chi eh.” June 26, 2025 Heisen At nang maaninag ko nga sina Zild sa hindi kalayuan ay agad nga akong tumigil na dahilan nga para magtaka si Chi at kunutan nga ako ng noo. “Oh, bakit ka tumigil? Dito ka na?” sunod-sunod ngang tanong nito at agad nga akong tumango dahil baka makita pa ako ni Zild at tawagin niya ako sa real name ko. “Ah, oo dito na ako. Maraming salamat sa pag-alalay ha. S—sige bye mauna na ako,” dali-dali ko ngang saad at naglakad na nga palapit kina Zild. “Hoy wait Nael!” tawag nga nito dahilan para matigilan ako at tumalikod upang harapin siya. “Hindi ‘yon act of kindness ha? Sabi ko nga ay may kapalit ‘yon okay?” pahabol nga niya at tumango na nga lang ako bilang sagot nang makapunta na ako agad kina Zild na mukhang napansin nga ang pagtawag sa akin ni Chi kaya halos lahat sila ngayon ay nakatingin na sa akin dala ang kani-kanilang mga nakakalokong mga tingin. “N—nael?” tanong nga ni Zild na kapareha nga nila Enrile ay nagpipigil na ngayon ng tawa. Pero bago ko pa man nga siya sagutin ay siniguro ko nga munang nakaalis na si Chi sa cafeteria. “Wala na siya Heisen,” saad ni Kuya Ismael dahilan upang mabunutan ako ng tinik. “Hindi ko naman akalain kuya Heisen na magsisimula ka na agad sa mission mo,” pabiro ngang saad ni Enrile dahilan para ngumiti ako. “Aba syempre, kailangan ko nang simulan nang maunahan ko ‘yong Helen na ‘yon,” saad ko nga at tiyaka tinignan si Helen na nasa kabilang lamesa kasama ang ibang mga kaklase naming babae. “Sigurado ka na bang siya ang magiging subject mo sa project mo Heisen?” seryoso ngang tanong ni kuya Ismael na siyang tinanguan ko naman agad. “Oo naman kuya Ismael. Siya ang pinaka-perfect subject para mapagtagumpayan ko ang experiment ko,” sagot ko nga habang nakangiti dahil naiimagine ko na nga kung gaano magiging successful ang mission ko. “Alright, basta paalala ko lang sa inyo that you need to make sure na walang masasaktan sa mga gagawin niyo dahil ‘yang mga gagawin niyong subject ay masyado nang traumatize sa mga napagdaanan nila rito sa baba,” saad nga ni Kuya Ismael na sadyang pinaninindigan talaga ang pagka-big heart niya para sa mga tao rito sa baba. “Kuya Ismael, walang masasaktan kaya chill ka nga lang,” paniniguro ko nga at tinawanan na lamang nga namin siya nang dahil sa pagseseryoso niya. September 9, 2029 Omicron “Matagal pa ba ‘yan Isko?” tanong ko nga kay Isko na ngayon ay nagluluto na nga ng makakain namin sa may kusina at habang ako naman ay ipinagpapatuloy na nga ang pagdradrawing ng prototype ko dahil sayang naman ang oras kung tutunganga ako at aantayin nga lang si Chi na kanina pa hindi bumabalik simula nong sampalin niya si Heisen. “Malapit na Omicron, kumukulo na ‘yong noodles,” sagot nit dahilan upang mapangiti ako. “Hindi ka ba nagtataka kung bakit sinampal ni Chi si Heisen?” baling na tanong ko nga dahil kanina ko pa nga talaga iniisip kung bakit parang iba talaga ‘yong sampal ni Chi kay Heisen kanina eh. Parang may hugot ba. “Dahil sa’yo. Eh, ayaw magpasalamat ni president kanina sa’yo hindi ba?” sagot nga nito at bago nga ulit ako nagsalita ay sumubo nga muna ako ulit ng isang kamaong popcorn at pinagkasya nga muli ito sa bunganga ko. “Eh, ang labo naman kung ‘yon lang ang dahilan ng kapatid ko. Knowing Chi, hindi naman basta-basta mananakit ‘yong kung walang matibay na dahilan,” saad ko nga habang sabay-sabay na kinakagat ang mga popcorn sa bunganga ko at ang iba pa nga rito ay tumalsik dahil sa pagsasalita ko. “Ano bang ibig mo sabihin tol?” tanong nga ni Isko na ngayon ay nandito na sa sala dala-dala ang isang kaldero ng ramen na binaon namin papunta dito sa taas. “Paano kung—“ Panimula ko nga at ngayon ngay umayos na ako ng upo at inilagay na nga sa tabi ko ang hawak kong sketchbook. “Paano kung?” tanong nga ni Isko sabay abot na sa akin ng mangkok at tinidor. “Kung may ginawang hindi kaaya-aya ‘yong lalaking ‘yon sa kapatid ko? Dahil kung meron man ay ako na talaga ang mismong bubugbog sa taong ‘yon,” sunod-sunod ko ngang saad at halos hindi nga ako mapalagay ngayon nang maisip ko ang ideya na ‘yon. “Oo nga no tol, paano kung may ginawa siya kay Chi?” tanong pa nga ni Isko na kapwa ko hindi na rin mapalagay. “Isko, tulungan mo akong tumayo at pupuntahan natin ang lalaking ‘yon at talagang bubugbugin ko siya,” utos ko nga at tiyaka iniabot ang kamay ko sa kaniya para tulungan nga ako sa pagtayo. “Walang aalis at walang mambubugbog.” At halos napatigil nga kami ni Isko nang biglang may nagsalita mula sa pintuan dahilan para sabay kaming mapatingin dito at makita nga si Helena na nakatayo ngayon sa bungad ng pinto at mukhang kanina pa nga ata nandito. “Kanina ka pa nandito?” sabay nga naming tanong ni Isko. “Alam niyo, napaka-oa niyong dalawa,” sagot nito dahilan para matauhan nga kaming dalawa at kasabay nga non ang pagbitaw ni Isko sa kamay ko dahilan para biglaang maibagsak ang katawan ko sa sofa at halos mapasigaw nga ako sa sakit. “Hinding-hindi magagawa ni Heisen ang mga iniisip niyo no. At tiyaka isa pa, alam na alam ko ang kwento ng dalawang ‘yon,” saad nga ni Helena na palapit na nga sa amin at tuluyan na nga ring nakiupo sa sofa. “S—sinong dalawa?” nagtatakang tanong ko nga at tiyaka tinignan siya ng diretso habang nakakunot ang noo ko. “Si Chi at Heisen. Sino pa ba? Eh, sila lang naman pinag-uusapan niyo ha,” sarkastiko nga niyang sagot. “Oo nga naman Omicron, ikaw talaga napaka nonsense mong tao,” saad pa nga ni Isko dahilan para lakihan ko siya ng mata at samaan ng tingin. “Noong una ko pa lang talagang nakita si Chi noong nasa baba pa tayo ay sobrang familiar talaga niya sa akin. At noong nalaman ko nga ang pangalan niya ay naalala ko na siya. Na siya nga ang batang babae na naging subject ni Heisen dati para sa isa naming mission dito sa baba noong 15 years old pa lamang kami,” paliwanag nga ni Helena dahilan para magtaka ako at mapakunot ng noo. “Nagkakilala silang dalawa noon? Paano? Eh, hindi pa naman kayo nabibisita sa Cluster 5 ha?” sunod-sunod ko ngang tanong. “Ah, naalala ko na Omicron! ‘Yan ‘yong nagpaalam kami ni Chi para pumunta sa Cluster 1 at doon nga manatili ng isang linggo dahil nga magsstay doon ang mga estudyante noon ng Mendeleev Academia ng isang linggo. Eh, hindi ba nga gustong-gusto talaga makausap ni Chi ang kahit isang taga-taas noon?” paliwanag nga ni Isko dahilan nga para tuluyan ko itong maalala. At naalala ko nga rin na pagkatapos ng isang linggong ‘yon ay umuwi nga si Chi na tila ba ibang tao na siya at sobrang nagbago nga talaga siya ng ugali. “Ano bang nangyari sa kanilang dalawa ha? Paano ba sila nagkakilala in the first place?” sunod-sunod ngang tanong ko kay Helena at hindi ko nga namalayan na masyado ko nga atang nailapit ang mukha ko kaya medyo nailang nga si Helena at lumayo ng kaonti. “It is not my story kaya hindi appropriate na ikwento ko sa inyo ito. Just ask Chi, at baka sabihin niya or hindi. Kasi kung ako naman talaga ‘yon ay mahihiya talaga akong sabihin ito,” sagot nga ni Helena dahilan para mapakunot nga ako ng noo ko at manghinayang. “At bakit naman mahihiyang ikwento sa amin ni Chi iyon?” “Kung hindi siya nahihiya ay dapat noon pa lamang ay sinabi na niya sa inyo hindi ba?” sarkastiko ngang sagot ni Helena na ngayon ngay nabaling ang atensyon sa ramen na na nasa mesa. “W—wait, saan nanggaling ang ramen na ito?” nagtatakang tanong nito sabay turo nga sa ramen. “Sa baba,” sagot nga ni Isko na ngayon ngay kumuha na ng mangkok niya at kinargahan na nga ito ng ramen. “Really? May ganito pa rin sa baba? I thought wala ng ganito dahil wala na ngang nagmamanufacture ng noodles dito sa Pilipinas,” hindi nga makapaniwalang saad ni Helena na ngayon ngay kinuha pa ang mangkok ko dahilan para kunin ko ito mula sa kaniya pero ayaw nga niyang bitawan at talagang nakikipag-agawan pa sa akin. “Ano gagawin mo ha?” tanong ko nga sa kaniya habang hirap pa ring kinukuha ang mangkok sa kaniya. “Kakain malamang,” sagot nito na tuluyan na ngang nakuha sa akin ang mangkok dahil nga wala rin akong lakas sa ngayon para agawin sa kaniya ito. “Ang sarap ha. Ngayon lang ulit ako nakakain ng noodles,” saad nga nito na tuloy-tuloy ngang ipinasok ang noodles ng ramen sa bunganga niya. At sa hindi na nga ako nakatiis at gutom na rin ako ay kinuha ko na nga mismo ang kaldero at pwersahan ngang kinuha kay Isko ang tinidor niya at doon na nga ako mismo kumain. “Pero paanong may production pa rin nito sa baba?” tanong ngayon ni Helena na paunti-onti ngang hinihigop ang sabaw ng ramen. “May full package kasi itong si Omicron niyan at paunti-onti nga lang talaga naming kinakain ‘yan. Sa tuwing may birthday ganun,” paliwanag nga ni Isko at tumango nga ako bilang pagsang-ayon. “Anong paunti-onti?” nagtataka ngang tanong ni Helena at muli nga na namang humihigop ng sabaw. “Alam mo magugulat ka talaga kung paano ko napreserve ‘yan,” saad ko nga at halos magulat nga kaming dalawa ni Isko nang ibuga nga ni Helena ang sabaw na nasa bunganga niya ngayon. At kung minamalas ka nga naman ay saktong sa mukha ko pa niya ibinuga ito. “P—preserve? What do you mean? Matagal na ito? Expired na ‘to ng ilang taon?” gulat ngang tanong ni Helena na agad ngang tumakbo sa kusina at doon ngay tinatry na sumuka. “Hoy, hindi ka naman mamamatay diyan! Dahil buong buhay kaya namin sa baba ay puro expired kinakain namin!” inis ngang saad ko dahil amoy ramen na nga talaga ako ngayon at hindi pa naman ako makatayo dahil namamanhid pa rin ang paa ko. “Sige na tol alisin mo na ‘yang damit mo at kukuha nalang ako ng damit mo sa kwarto mo,” natatawa ngang saad ni Isko na sa wakas ay nakaramdam din na hindi ko magawang maglakad papunta sa kwarto ko at kumuha ng t-shirt na pampalit. “Baka magka-diarhea ako nito dahil diyan sa lintek na ramen niyong ‘yan! At mas worst kung malason pa ako nang dahil diyan!” sunod-sunod pa ngang bulalas ni Helena na rinig ko ngang sinusubukan pa ring sumuka. “Arte mo naman. Edi sana naisip niyo ‘yan no. Na kayo dito sa taas ay ang sasarap ng mga kinakain niyo pero samantalang nga ‘yong mga nasa baba ay naghihikapos at walang makain. At ang iba pa ngay, pinipilit ngang magtrabaho para may maipadalang pagkain dito sa mga nasa taas. Kami ang naghihirap na magproduce ng pagkain pero kayo ang nakikinabang,” sunod-sunod ko ngang saad at tila tumahimik nga ito at wala na rin akong narinig na sound na pinipilit ngang sumuka. At dahil nga nacurious ako at tila ba ang tagal naman niyang natahimik ay ibinaling ko nga ang tingin ko sa kaniya na ngayon ay nasa kusina na siyang nasa likod ko. At halos mapakunot nga ako ng noo dahil sa pagtataka. Dahil nakatitig nga lang siya sa akin ngayon at tila gulat-gulat. “S—saan mo nakuha ‘yang sugat mo sa likod?” unti-onti nitong tanong dahilan upang mas mapakunot ako ng noo nang dahil sa pagtataka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD